29/08/2022
Ang bumubuo ng Committee ng Pulyok Ballers League ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong at nakiisa sa ating katatapos lamang na liga.
Itinuturing namin na tagumpay ang aming hangarin nuon na magkaroon ng pagkakataon na mapagsamasama ang basketbolista sa ating barangay.
Ipinapaabot po namin ang pasasalamat sa ating mga barangay officials sa pangunguna nina Kapitan Rogel Villela at SK John Rico Ronsairo. Nawa po ay patuloy nyo pa kaming samahan sa mga susunod pang projects namin.
Maraming salamat po sa mga magulang at pamilya ng mga manlalaro at fans... sa walang sawang nakasuporta at panunuod, kahit pa may pagkakaton ng malalakas na ulan. Maraming salamat din sa ating mga naging referees!
Lubos po ang aming pasasalamat sa Teus Farm sa pagpapahiram ng kanilang LED Scoreboard sa kabuuan ng liga.
Gayundin po ang pasasalamat sa walang sawang suporta mula sa JY Alford Realty and Development Corporation.
Nagpapasalamat din po kami kay Honorable Councilor Rex Ferolino para mga trophies and medals. At kina Hanz Ambat at Jerome Varias para mga karagdagan pang medals para sa champion team at specials awards.
Maraming salamat din po sa lahat ng nagpaabot ng tulong pinansyal na ginamit sa pagpintura ng ating court at mga gastusin sa mga araw ng liga!
Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagpaabot ng pagkain at inumin sa committee!
Hanggang sa susunod na liga mga ka-bola!
Mabuhay ang Pulyok Ballers!