07/04/2026
Ang hina talaga ng linyang “walang ginagawa ang administrasyong ito sa oil crisis.”
Hindi dahil perfect ang response. Hindi dahil bawal silang i-criticize. Kundi dahil mali sa facts. Fact checking ito, baka mag-auto comment ka na naman ng BBM to bangag🙄 paldo to, may maleta.. duh!
Puwede mong sabihin na may delay.
Puwede mong sabihin na may inconsistency.
Puwede mong sabihin na bitin pa ang relief.
Pero huwag mong sabihing wala.
Bakit?
Kasi may national energy emergency na dineklara. May EO 110. May ₱20 billion na inilabas para mag-secure ng dagdag na oil supply. May authority na rin to suspend or reduce fuel excise tax under the law. May fuel subsidies, transport relief, toll discounts, fare discounts, at phased energy-saving measures sa gobyerno. Sa madaling salita: may intervention. Ang puwedeng debatehin ay kung sapat ba. Hindi kung meron o wala.
At huwag ninyong ihiwalay ang OFW issue, kasi kasama ‘yan sa totoong sukatan ng crisis response.
May mga repatriation flights. May food, shelter, transport, at financial assistance. Libo-libong OFWs ang na-assist, at libo-libo na rin ang napauwi with dependents. Hindi rin biro ang diplomatic work para masiguro ang safe passage ng fuel cargo at Filipino seafarers sa Strait of Hormuz. So again, criticize the gaps, yes. But stop lying that the government is sleeping.
Ang totoo, ang hirap ng crisis na ito hindi dahil tamad ang gobyerno by default, kundi dahil import-dependent tayo. Kapag halos lahat ng crude mo galing Middle East, hindi mo mawi-wish away ang global price shock. Even if may supply ka pa, tataas pa rin ang presyo dahil sa insurance, rerouting, at risk premium. Ibig sabihin, mitigation ang kaya ng gobyerno — hindi magic.
Ngayon punta tayo sa paborito nilang comparison:
“Noong panahon ni Duterte, prepared na ang gobyerno in one week sa COVID.”
Talaga ba?
Kung ang ibig lang ninyong sabihin ay mabilis ang lockdown after ma-confirm ang local transmission, mas defensible pa ‘yan. Pero huwag ninyong tawaging full preparedness.
Kasi ang first confirmed COVID case sa Pilipinas ay January 30, 2020.
Ang state of public health emergency ay March 8 pa.
Ang Metro Manila quarantine ay March 12.
Ang Bayanihan law ay March 24.
So anong “prepared in one week”?
Lockdown in days is not the same as preparedness.
Magkaiba ang pagkulong ng tao at pagiging handa ng sistema.
Ang tunay na preparedness may testing capacity, malinaw na communication, hospital readiness, maayos na procurement, at public trust.
Eh ano ang record?
Noong March 2020, napakababa pa ng testing. Hindi nga puwedeng i-romanticize ang panahong ‘yan as if maayos at plantsado agad ang lahat. In other words, mahigpit does not automatically mean handa. Authoritarian optics is not the same as competent governance.
At lalong huwag ninyong gawing fairy tale ang COVID era ni Duterte, kasi habang takot ang tao at naghihirap ang bayan, sumabog naman ang Pharmally scandal.
Isang kumpanyang may maliit na capitalization, nakakuha ng bilyon-bilyong pandemic contracts. Later on, the Ombudsman approved graft charges over irregular test kit deals. So habang sinasabi ninyong “handa agad in one week,” ang tanong:
handa para magligtas, o may ilan ding handang kumita?
Kaya ang bottom line simple lang:
Hindi perfect ang current administration sa oil crisis.
May puwedeng punahin.
May puwedeng i-pressure.
May puwedeng sabihing dapat pang dagdagan.
Pero ang linyang “wala silang ginagawa” ay pang-comment section na walang binasang facts.
At ang linyang “Duterte prepared in one week” ay classic oversimplification na binubura ang tunay na timeline, ang mababang testing, ang delayed public-health escalations, at ang bahid ng Pharmally.
Hindi lahat ng criticism matalino.
May criticism na analysis.
At may criticism na propaganda lang na naka-costume as nostalgia.
At minsan, ‘yan ang pinaka-delikado:
kapag hindi na facts ang basehan ng tao — kundi selective memory na may halong idolatry.
゚