12/31/2025
Mula sa kaibuturan ng aking puso, binabati ko kayo ng isang masagana, mapayapa, at pinagpalang Bagong Taon. Sana ang darating na taon ay magdala ng saya, kaginhawahan, at bagong pag-asa sa bawat isa sa atin.
Nawa’y dinggin ng Diyos ang lahat ng ating dalangin, at anuman ang Kanyang ipagkaloob, tanggapin natin ito nang may pasasalamat at pagpupuri. Manalig tayo na sa tamang panahon, aapaw ang biyayang inilaan Niya para sa atin.
Tandaan natin na sa buhay, mahalaga ang positivity at gratitude. Maliit man o malaking achievement, ipagdiwang natin, dahil bawat hakbang ay patunay na kumikilos ang Diyos sa ating buhay. Matuto tayong maging satisfied at mapagpasalamat sa kung anuman ang meron tayo ngayon.
At higit sa lahat, huwag nating kalimutan: Ang Panginoon ang tanging makapangyarihan sa lahat. Siya ang ating gabay, lakas, at pag-asa.🙏