12/03/2025
Congratulations Ernani Miguel Dela Cruz for having first bronze medalist at RAAM 2025
WE OUR PROUD OF YOU CALAMBA ARNIS/KALI TEAM
๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ปฬ๐ผ ๐ต๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฏ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐, ๐ป๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐๐ผ
Nasungkit ni Ernani Miguel Dela Cruz ng Camp Vicente Lim Integrated School ang tansong medalya sa semifinals ng combative arnis matapos magapi ng Laguna Province sa iskor na 5-3, sa ginanap na Regional Athletic Association Meet (RAAM) 2025 sa One Arena, Cainta, Rizal, nitong Miyerkules.
Napaluhod panandalian ng Laguna Province ang mandirigmang Calambeรฑo matapos masilat sa unang round, 2-5. Bumawi naman si Dela Cruz sa ikalawang round, 4-2, bago tuluyang madomina ng kalaban sa ikatlong round sa iskor na 5-3. Sa kaniyang mga laban, malaki ambag kay Dela Cruz ng kaniyang teknik na box-out stance, mabilis na backsteps, at mga matitinik na palo sa kalaban.
Aminadong hindi naging madali ang laban, determinado si Dela Cruz na bumalik nang mas malakas sa susunod na taon.
โNext year, lalaban uli. Malakas mag-pressure โyung kalaban at mabilis umiwas,โ aniya.
Bago makarating sa semifinals, pinadapa muna ni Dela Cruz ang mga pambato ng Dasmariรฑas City at Batangas City, bago talunin ang Batangas Province sa quarterfinals. Sa kabila ng matinding hampasan, bumangon siya mula sa 2-2 deadlock, saka humugot ng panalo sa sumunod na rounds, 5-3 at 4-2.
Ayon kay Coach Jayson R. Arcilla, nagbunga ang isang taong paghahanda ni Dela Cruz, kung saan itinodo nila ang pagsasanay sa speed, footwork, at mental toughness.
โNag-focus kami sa lahat ng pagkukulang po namin. Nag-focus kami sa speed, footwork, saka kalmadong mindset bago lumaban. Ang panalo niya po ay pure skills,โ ani Arcilla.
Bagamaโt hindi pa narating ang gintong podium, naniniwala si Dela Cruz at kanyang coach na mas maraming laban pa ang kanilang panalunin sa mga darating na RAAM tournaments.
-๐๐ ๐๐๐ ๐ท๐ข๐๐
๐
๐ด๐ด๐ ๐๐ข๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ & ๐ท๐๐๐ข๐๐๐๐ก๐๐ก๐๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐ก๐ก๐๐