02/08/2025
Ating ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa! π΅π
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon ng buong bansa sa pagkilala at pagtatampok sa wikang Filipino at mga katutubong wika bilang mahalagang salik sa pagkakaisa ng bansa.
Patuloy na itinataguyod at pinagyayaman ng DepEd ang wikang Filipino at mga katutubong wika bilang instrumento sa pagkatuto at simbolo ng pagkakakilanlan ng bansa.
Maaaring i-download ang banner gamit ang link na ito: https://bit.ly/BuwanNgWika2025_Banner