05/08/2026
๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ ๐ถ๐ด๐๐ฒ๐น ๐๐ฎ๐ด๐ฒ๐ฟ๐, ๐ป๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด-๐ด๐ถ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ก๐๐ง๐ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ ๐ฏ๐
๐ฏ
Ipinamalas ng apat na batang basketbolista ng San Miguel Rural Development High School (SMRDHS) ang husay at determinasyon sa pagrepresenta sa lalawigan ng Catanduanes sa 16-Under Regional 3x3 National Basketball Training Center (NBTC) na ginanap sa Daet, Camarines Norte noong Agosto 1โ2, 2026.
Binubuo nina Carlos Victorio Tesorero, John Kurt Dedullo, Mark Jonas Adiel Teves, at Marl Marren Panza, ipinakita ng koponan na kaya nilang makipagsabayan sa pinakamahuhusay na koponan sa rehiyon. Matagumpay nilang tinalo ang Ragay Playmakers ng Camarines Sur, 21-8, at ang KTLA 1 ng Camarines Sur, 16-13. Bagama't nagtapos ang kanilang kampanya matapos yumuko sa El Listo ng Camarines Norte, 21-16, iniwan nila ang impresyon ng isang koponang may puso, disiplina, at malaking potensyal.
Kasama ng koponan sina Coach Angelo Cedric Tribiana, Coach Jhonney Boy D. Bernal, at SMRDHS Principal Fidel Vegim, na naging katuwang sa paghahanda ng mga manlalaro.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang team sa mga tumulong upang maisakatuparan ang kanilang paglahok sa regional finals, kabilang sina Atty. Richard Torreja, Francis John Templonuevo, Vice Mayor Noel Morales, Municipal Councilors Miguel Sacris at Antonio Tuazon, at John Joseph Tabirao ng Local Youth Development Office ng LGU San Miguel.
Bagama't hindi man naiuwi ang kampeonato, isang karangalan pa rin ang naidulot ng mga batang cagers sa San Miguel at sa buong Catanduanes sa kanilang ipinakitang laban at sportsmanship.
๐ธCABRI