05/09/2025
Pagdiriwang ng Kapistahan ni St. Mother Teresa of Calcutta!!!
September 6-7, 2025
Beverly Homes Phase 1 Clubhouse and Court Area.
Iniimbitahan po namin ang lahat ng mga residente bata man o matanda na makisaya at makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan dito sa ating lugar.
Ang pamunuan ng Homeowners Association Inc. sa pangunguna ni President Toby Belen kasama ang mga Board of Directors at katuwang ang Sport Committee ay naghanda ng mga ilang palaro at kasiyahan para sa inyong lahat.
Sisimulan po natin ang ating pagdiriwang sa araw ng Sabado (Sept. 6, 2025) sa ganap na 4:00 ng hapon sa ating clubhouse, tayo ay magpapalaro para sa mga bata at nakakatanda. Sa ganap na 7:00pm gabi ay magkakaroon tayo ng Videoke Singing Competition, kaya po wag kayong mawawala, sama-sama natin saksihan ang talentong Beverly at i cheer ang inyong pambato.
Sa araw naman po ng Linggo (Sept. 7, 2025), simula 8:00 hanggang 10:00 ng umaga at simula 3:30 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi ay maghahatid kami ng iba't ibang klase ng kasiyahan at papremyo sa mga makikibahagi sa mga palaro na aming inihanda.
Tandaan na ang inyong kalendaryo, at sumali at makisaya tayong lahat.
Maraming Salamat Po!!