GÃBI NG LÃGĪM

GÃBI NG LÃGĪM MIDNIGHT STORY
LIKE AND FOLLOW

08/09/2025

UNSAY MAS LISOD ANG KINING NAG ISKUYLA PARA SA IYANG KA UGMAON OR KINING G PILI NALANG ANG PAG TRABAHO PARA SA IYANG KAUGALINGON UG MAKA TABANG SA IYANG GINIKANAN


# Gabi NG LAGIM

Taxi Driver na Naghatid ng Pasahero pero Nawala Pagdating sa Destinasyon 😱Scret Sender Gabi na nun, bandang alas-diyes n...
05/09/2025

Taxi Driver na Naghatid ng Pasahero pero Nawala Pagdating sa Destinasyon 😱

Scret Sender

Gabi na nun, bandang alas-diyes ng gabi. Kakatapos ko lang magsundo ng pasahero sa Cubao at ihatid siya sa Pasig. Pagkatapos nun, plano ko na sanang umuwi dahil pagod na ako. Pero biglang may pumara sa akin malapit sa may EDSA.

Isang babae, nakaputing bestida, mahaba ang buhok at parang nanghihina.

Sabi niya,
Kuya… pwede po ba akong makisakay? Ihatid niyo po ako sa bahay namin, medyo malayo po pero babayaran ko naman.

Medyo nag-alangan ako kasi late na, pero naawa ako sa itsura niya. Kaya sabi ko,
Sige, sakay ka. Basta sabihin mo lang kung saan ka ihahatid.

Ngumiti siya nang mahina at sumakay sa likod. Tahimik lang siya buong biyahe.

Ako: Miss, saan banda tayo pupunta?
Babae: Sa may San Mateo po, kuya… dulo na halos ng kalsada.
Ako: Ay, medyo malayo-layo yun ha. Pero sige, ihahatid kita.

Habang bumibiyahe kami, ramdam ko ang lamig sa loob ng taxi, kahit naka-off naman yung aircon. Parang may kakaibang presensya sa likod. Paminsan-minsan, sumisilip ako sa rearview mirror para tingnan siya. Nakatingin lang siya sa bintana, seryosong seryoso.

Ako: Galing ka ba sa trabaho, miss?
Babae: Hindi po… galing lang po ako sa isang lugar na mahirap ipaliwanag. Basta kuya, salamat at hinatid niyo ako.

Nagulat ako sa sagot niya. Medyo kinilabutan pero hindi ko pinahalata.

Pagdating namin sa may San Mateo, halos isang oras din ang biyahe. Umabot kami sa isang lumang bahay na kulay puti. Huminto ako sa harap.

Ako: Miss, eto na po yung bahay.
Tahimik lang siya. Walang imik.

Ako ulit: Miss, andito na tayo. Baka po nakatulog ka?

Luminga ako sa likod… at doon ako kinilabutan. WALA NA SIYA. 😱

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung paano siya nakalabas kasi hindi ko narinig ang pagbukas ng pinto. Tumigil ang tibok ng puso ko sa sobrang takot.

Ako: Diyos ko… totoo ba ‘to? Nawala siya?!

Nang biglang lumabas ang isang matandang lalaki mula sa bahay. Lumapit siya sa akin.

Matanda: Iho, bakit ka nakaparada dito sa harap ng bahay namin?
Ako: Ah eh… naghatid po kasi ako ng pasahero… babae… nakaputi… dito raw siya nakatira.
Matanda: (napatingin sa akin ng matagal) Iho, alam mo ba kung sino yung sinasabi mo?

Umiling ako.
Matanda: Yung babae na nakaputing bestida… matagal na siyang patay. Anak ko siya. Namayapa na siya mga limang taon na ang nakakalipas.

Parang nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako makapagsalita.

Ako: Hindi po… imposible… sumakay siya sa taxi ko, kinausap ko pa siya. Dinala ko pa siya rito!
Matanda: Hindi ka na nag-iisa sa nakaranas niyan, iho. Marami nang taxi driver ang naghatid sa kanya rito. Hindi mo siya pinanaginipan. Totoo yun.

Napaupo ako sa manibela, nanginginig.

Ako: Diyos ko… hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Matanda: Huwag kang matakot. Siguro nagpapasalamat lang siya sa mga taong handang maghatid sa kanya pauwi. Kahit wala na siya sa mundong ibabaw, hinahanap pa rin niya ang daan pabalik sa bahay.

Napalunok ako. Kinusot ko ang mga mata ko, baka guni-guni lang. Pero ramdam ko pa rin yung lamig na iniwan niya sa taxi.

Ako: Sir… paano po kung mangyari ulit ito sa akin?
Matanda: Magdasal ka lang lagi, iho. At isipin mong hindi lahat ng multo ay masama. Minsan, kailangan lang nila ng kaunting tulong o dasal para makatawid ng payapa.

Tumango ako kahit nanginginig pa rin. Bago ako umalis, tumingin ako ulit sa bahay. At sa bintana sa itaas, parang nakita ko yung babae nakatingin at bahagyang nakangiti. Para bang nagpapasalamat siya. 👻

Kinabukasan, ikinuwento ko ito sa mga kapwa ko taxi driver. Hindi sila makapaniwala nung una, pero may ilan sa kanila na nagsabing nakaranas din sila ng kakaibang pasahero na biglang nawawala.

Kaibigan kong si Roberto: Marlo, baka pagod ka lang nun at guni-guni mo lang.
Ako: Kung guni-guni lang, paano ko maipapaliwanag yung matandang lumabas at sinabing anak niya yun?
Kaibigan kong si Edwin: Pre, totoo yan. Narinig ko na rin yan dati, may babae raw talaga na sumasakay tapos nawawala.
Kaibigan kong si Janine: Nakakatakot naman yan. Pero tama yung matanda, baka kailangan lang niya ng dasal para matahimik.

Simula noon, tuwing gabi na bumibiyahe ako, lagi akong nagdadasal bago sumakay ang pasahero. Hindi ko na alam kung makikita ko ulit yung babae, pero hindi ko na siya kinalimutan. Sa halip na katakutan, inisip ko na lang na baka yun ang paraan niya para ipaalala sa atin na may buhay pa rin pagkatapos ng kamatayan. 🙏.


driver
horror story

Batang Palaging Pinapagalitan Lumayas AT Na Ligaw sa Lugar Ng Mga Aswang 😱Sender- secret May isang bata dito sa aming ba...
04/09/2025

Batang Palaging Pinapagalitan Lumayas AT Na Ligaw sa Lugar Ng Mga Aswang 😱

Sender- secret

May isang bata dito sa aming baryo na palaging napapagalitan ng kanyang mga magulang. Ang pangalan niya ay si Keven, isang labing-dalawang taong gulang. Madalas kasi, kahit maliit na pagkakamali, napapagalitan siya. Minsan dahil nakabasag ng plato, minsan dahil nakalimot mag-igib ng tubig. Para bang lahat ng bagay ay kasalanan niya.

Isang gabi, hindi na niya kinaya ang paulit-ulit na pangaral at sigaw. Dala ng galit at sama ng loob, tumakbo siya palabas ng kanilang bahay. Hindi na niya alam kung saan patutungo. Lumakad siya nang lumakad, hanggang sa mapansin niyang wala na siya sa kilalang daan.

Keven: Ayoko na... bakit ba lagi na lang ako ang mali? Hindi ba nila ako mahal? 😢

Habang naglalakad, napansin niyang kakaiba ang paligid. Hindi niya namalayang nakarating na pala siya sa parte ng baryo na halos walang tao. Madilim, puno ng matatandang puno at napakatahimik. Tanging huni ng mga kuliglig ang maririnig.

Keven: Saan ba ako? Ang dilim... parang hindi ko na alam ang daan pabalik...

Sa kanyang pag-iisa, bigla siyang nakarinig ng yapak. Parang may mabibigat na paa na dumadaan sa paligid. Kinabahan siya, pero inisip na baka hayop lang iyon. Ngunit ilang saglit pa, may narinig siyang mababang boses na tila galing sa ilalim ng lupa.

Boses: Bata... bata... halika dito...

Keven: Sino ka?!

Wala siyang nakitang tao, ngunit ang mga mata niya ay tila may nakikita sa pagitan ng mga puno. Mga aninong gumagalaw, mahahaba ang kuko, at kakaiba ang hugis ng mukha.

Keven: Diyos ko... totoo pala ang sabi-sabi dito sa baryo... may mga nilalang nga na nakatira sa madilim na lugar na ito! 😱

Takbo siya nang takbo, pero parang lalo siyang nililigaw ng daan. Hanggang sa nakarating siya sa isang lumang kubo. Doon niya nakilala si Troy, isang binatang nakatira malapit sa kakahuyan.

Troy: Hoy bata, anong ginagawa mo rito sa oras na ganito? Delikado dito, hindi mo ba alam?

Keven: Kuya... naligaw po ako. Hindi ko na makita ang daan pabalik sa amin. May naririnig akong kakaibang boses kanina...

Troy: Naku! Buti na lang at napunta ka rito. Alam mo ba, maraming nagsasabing may mga nilalang na kumikilos dito kapag gabi. Huwag ka nang lalabas. Halika, dito ka muna.

Pinapa*ok siya ni Troy at binigyan ng tubig. Habang nagpapahinga, bigla na namang narinig ni Keven ang mga boses mula sa labas.

Boses: Ibigay mo sa amin ang bata... amin na siya...

Keven: Kuya! Naririnig mo ba yun?!

Troy: Oo, naririnig ko... huwag kang matakot. Basta wag kang lalabas, anuman ang mangyari.

Biglang kumalabog ang pinto, para bang may gustong puma*ok. Nagsimulang lumamig ang paligid. Ang mga a*o sa labas ay nag-uunahang tumahol na parang may nakikitang kakaiba.

Troy: Huwag kang kikilos, Keven. Manahimik ka lang.

Pero dahil sa takot, napaiyak ang bata.

Keven: Ayoko na kuya... gusto ko nang umuwi sa amin... kahit palagi nila akong pagalitan, mas gusto ko pa rin sa bahay...

Narinig iyon ng mga nilalang sa labas. Mas lumakas ang kanilang ungol at halakhak.

Boses: Hindi ka na makakabalik... dito ka na sa amin...

Troy: Hindi nila makukuha ang kaluluwa mo kung tatapang ka. Tandaan mo yan.

Nagdadasal si Troy habang mahigpit na hawak ang bata. Ilang minuto pa, unti-unting nawala ang mga ingay. Nanahimik ang paligid, para bang walang nangyari.

Keven: Kuya... ligtas na ba tayo?

Troy: Sa ngayon oo, pero kailangan ka nang makauwi. Bago pa sila bumalik.

Agad na tinulungan ni Troy si Keven makahanap ng daan palabas ng kagubatan. Habang naglalakad sila, napansin ni Keven na may mga matang nakatitig sa kanila mula sa dilim, pero hindi na siya sumigaw. Pinili niyang kumapit sa tapang na tinuro ni Troy.

Paglabas nila sa kakahuyan, sinalubong sila ng mga tao mula sa baryo na kanina pa pala naghahanap sa kanya. Kasama ang kanyang mga magulang na halos umiiyak sa sobrang pag-aalala.

Nanay: Anak! Saan ka ba galing?! Akala namin kung ano na ang nangyari sa iyo!

Keven: Nay... patawarin niyo po ako... umalis ako kasi hindi ko na kaya ang palaging pagalitan... pero natutunan ko ngayong gabi na mas mabuti pa ring nasa piling ng pamilya kaysa mapunta sa dilim na iyon...

Tatay: Anak... patawarin mo rin kami. Hindi namin alam na sobra na pala ang bigat ng aming mga salita sa iyo. Huwag ka nang aalis ulit.

Nagyakapan silang mag-anak. Hindi man nawala ang alaala ng nakakatakot na gabing iyon, nagsilbing aral ito sa lahat. Si Keven ay natuto na mas mahalaga ang pamilya kahit minsan mahirap intindihin, at ang kanyang mga magulang naman ay natutong magbago at maging mas mahinahon sa pagdidisiplina.

Mula noon, hindi na muling napadpad si Keven sa kagubatan. At tuwing gabi, sa tuwing nadadaan siya sa gilid ng kakahuyan, hindi niya maiwasang maalala ang mga matang nakatitig sa kanya. Pero imbes na matakot, pinipikit niya na lang ang mga mata at nagdarasal.

Jade: Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang tanong... totoo ba talagang may mga aswang na nag-aabang sa dilim, o guni-guni lang iyon ng isang batang nagdurusa? Ikaw, naniniwala ka ba? 🤔

Hello, Kuya GL.Ako po si Lia, taga-Barangay HBY.Araw-araw akong naeexcite sa mga story mo, kaya naisip ko:Paano kung i-s...
03/09/2025

Hello, Kuya GL.
Ako po si Lia, taga-Barangay HBY.
Araw-araw akong naeexcite sa mga story mo, kaya naisip ko:
Paano kung i-share ko rin ang kwento ng BFF ko?
Kwento ito ni Rea, at kahit 2020 pa ’yon, hanggang ngayon—2025—hindi pa rin siya nakaka-move on.

Si Rea ay taga-Imus. Bata pa lang daw siya, palagi na siyang naiiwan sa bahay tuwing madaling araw.
Alas-tres o alas-kuwatro ng umaga, wala na ang nanay, tatay, at kuya niya—nasa palengke na kasi sila, may pwesto raw sila ng gulay at manok.

Isang madaling araw ng June 2020, nagising si Rea.
Tahimik sa buong bahay.
Wala siyang kasama.

Bigla—nag-ring ang cellphone.
Nasa lamesa.
Sinagot niya agad.
“Hello?” tanong ni Rea.
“Apo, pwedeng paki-abot ng tubig?”
Boses ng matandang babae… boses ng lola niya.

Napahinto si Rea.
“Bakit si Lola ang tumatawag? Eh malakas pa tuhod nun, at hindi naman ako inuutusan kahit kailan…”
Hawak-hawak pa rin niya ang telepono habang bumababa ng hagdan.

Pero habang nagbubuhos siya ng tubig sa ba*o—nagdalawang-isip siya.

“Paano kung hindi talaga si Lola ’yon?”

Sa kaba niya, nagkunwaring pupunta sa banyo si Rea at dahan-dahang ibinuhos ang tubig sa toilet bowl.
Pero habang ginagawa niya ’yon, biglang may narinig ulit siya sa cellphone:

“Apo, napakalakas naman ata ng ihi mo... Ako na lang ang bababa at kukuha ng tubig.”

Natigilan si Rea.
Hindi na ’yon si Lola.

Tumakbo siya papunta sa ilalim ng mesa.
Nabundol pa ang ulo niya sa pagmamadali.
Nahulog ang cellphone. Hindi niya maabot.

May maliit na siwang sa gilid ng mesa.
Sumilip siya.
At dun niya nakita ang nilalang sa sala…

Maputla. Bulok ang balat.
Nakangiti.
May hawak na ba*o.

“Apo… nasaan ka na? Asan na ang tubig ko?”

Patay-sindi ang ilaw.
Biglang namatay lahat ng ilaw sa bahay.

Dali-dali siyang tumakbo palabas. Kahit walang tsinelas. Kahit madilim.

Sa kalsada, nasalubong niya ang barangay tanod.

“Iha, alas-dose na ng gabi. Anong ginagawa mo sa labas? May curfew pa rin tayo.”

Umiiyak si Rea.
“Kuya… wala po akong kasama sa bahay. Pero may kasama po ako kanina… hindi ko po alam kung ano ’yon.”

Napatitig ang tanod sa bahay nila.
Biglang sabi nito:

> “Ano’ng walang kasama… e may sumisilip sa bintana n’yo o!”

Paglingon ni Rea…
Namatay ulit ang ilaw.
At nawalan na siya ng malay.

Nagising si Rea na nasa barangay hall na.
Nandun na ang mama, papa, kuya… at ang totoo niyang lola.

Pati pala si Lola ay sumama sa palengke.
Si Rea lang talaga ang naiwan.
Pero kung ganon…

> Sino ang nasa bahay na kasama niya?
Sino ang tumatawag at nag-aabot ng ba*o?
Sino ang sumisilip sa bintana?

May nadagdag pa.
Nung nalaman ng lola ni Rea ang nangyari, may ibinahagi rin siya.

Noong bata raw siya, may kaibigan siyang babae na tahimik at misteryoso.
Minsan, binilhan daw siya ng nanay niya ng bagong bag.
Napansin niyang tinititigan siya ng kaibigan niya, parang naiinggit.

Kinabukasan, laking gulat niya—may bag ding dala ang kaibigan niya, pero luma at kupas.
Paulit-ulit ’yon.
Bag, sapatos, gupit, pati kilos—lahat ginagaya.

Hanggang sa isang hapon…
Nilapitan siya ng kaibigan niya.
“Tara, laro tayo.”
Dinala siya sa likod ng eskwelahan, sa ilalim ng puno.

May hawak itong kutsilyo.

“Mawawala ka rin. Mawawala ka! Lahat ng meron ka… kukunin ko!”

Pilit siyang tumakbo, pero natrauma siya sa takot.
Lumipat siya ng eskwelahan.
Pero ilang linggo lang—namatay ang kaibigan niya.

Simula noon, tuwing gabi…
May nararamdaman pa rin daw siyang parang may sumusunod sa kanya.

“Hindi lahat ng nag-aalok ng tubig ay dapat mong pagsilbihan… dahil baka hindi nila iyon iinumin.”

Minsan, ang ginagaya ka…
Hindi dahil idol ka niya.
Baka gusto niya palitan ka.
Kunin ang lugar mo.
At ang buhay mo.

Kaya kapag may boses sa gabi na hindi mo dapat marinig…
’Wag kang susunod.
Baka hindi ka na muling makabalik.

May Gumapang na…📍 Kwento ng Mama ni AnonymousHi Kuya GL,Kwento po ito ng mama ko—na paulit-ulit niyang ikinukwento samin...
03/09/2025

May Gumapang na…

📍 Kwento ng Mama ni Anonymous

Hi Kuya GL,
Kwento po ito ng mama ko—na paulit-ulit niyang ikinukwento samin ng mga kapatid ko tuwing napag-uusapan ang tungkol sa mga nilalang na hindi dapat makita ng tao.

Sabi niya, mga 9 o 11 taong gulang pa lang daw siya noon. Sa isang probinsya siya lumaki—malaki ang bahay nila pero luma at walang kuryente. Gamit lang nila noon, lampara o yung ilaw galing sa buwan sa labas.

Madaling araw daw ’yon, bandang alas-dose o alas-dos. Nagising siya kasi natatae raw siya.
(Pasensya na po kung may kumakain, pero ’yon daw talaga ang dahilan.)

Walang ilaw sa banyo nila kaya ang ginawa niya, binuksan lang niya ang pinto habang nakaupo sa inidoro—para may kaunting liwanag galing sa labas. Habang nakaupo siya, nilalamig ang mga paa sa tiles, biglang parang may dumaan sa labas ng banyo.

Akala raw niya si Lola ’yon.
Pero napansin niya agad na may mali.

“Bakit parang… hindi normal ang paglakad?”
“Bakit… pati kamay ay parang ginagamit sa paglakad?”

Hindi niya raw makita nang buo, pero anino ng isang nilalang ang dumaan—na parang hayop na tao.

Nung tuluyan na itong dumaan sa harap ng pinto ng banyo, doon na niya nakita:
Sigbin.
Baliktad ang paa. Nakalugmok. Nakayuko ang katawan pero may porma ng tao.
At ang tunog ng paggalaw nito… parang gumagapang, pero may bigat.

Hindi na siya nakatagal sa takot.
Sinara agad niya ang pinto ng banyo at napasigaw.
Humagulhol siya sa loob habang nanginginig. Pilit niyang tinatawag si Lola.

Ilang saglit pa, may narinig na siyang mabilis na hakbang.
Si Lola—dala ang lampara, binuksan ang pinto at agad siyang niyakap nang mahigpit.
Sabi raw ni Lola:

“Ssshh… huwag kang matakot. Hindi ka nya kaya kung may dasal ka.”

At parang bula—nawala ang presensya ng sigbin.
Wala nang aninong dumaraan. Wala nang tunog ng paggapang.

Hanggang ngayon, tuwing ikinukwento ito ni Mama, nanginginig pa rin ang boses niya.
Sabi nga niya,

“Bata pa lang ako, Kuya Mid… alam kong may mga nilalang tayong hindi dapat makita—pero minsan, sila pa mismo ang nagpapakita.”

Hindi lahat ng nararamdaman mong takot ay gawa-gawa lang. Minsan, totoo ’yan — pero hindi lahat maiintindihan agad ng iba. Kaya sa mga ganung pagkakataon, matutong makinig sa sarili mong kutob, at huwag matakot magsabi ng totoo. Dahil sa totoo lang, mas mabuti nang maprotektahan ka kaysa pagtawanan ka.

At para sa mga magulang o nakakatanda — pakinggan n’yo ang mga kwento ng bata. Kahit minsan parang imposible, baka totoo. Dahil may mga bagay talaga sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng lohika… pero ramdam mo sa puso mo.

Kababalaghan sa Byahi Pa Puntang Samar 😱Ako na lang ang itago niyo sa pangalang Delpen. Matagal na po akong silent reade...
03/09/2025

Kababalaghan sa Byahi Pa Puntang Samar 😱

Ako na lang ang itago niyo sa pangalang Delpen. Matagal na po akong silent reader ng PSL. Ako ay Nag Pasalamat aT iyong Binigyan pansin Ang aking kwento 💞

Noong gabing iyon, sumakay ako ng byahe papuntang Samar kasama ang ilan kong kakilala. Nandoon si Gelmor, si Kaloy, at si Myrna. Magkakaibigan na rin kami at sabay-sabay kaming nagdesisyong umuwi dahil may okasyon sa probinsya.

Habang nasa terminal pa lang kami, ramdam ko na kakaiba ang hangin. Medyo malamig kahit hindi naman umuulan. Kinilabutan ako pero binalewala ko na lang.

Habang nasa bus na kami, nagkukwentuhan kami.

Delpen: Ang saya no, matagal na rin tayong hindi nagkita-kita.
Gelmor: Oo nga eh, parang reunion na rin ito.
Kaloy: Pero grabe, ang haba talaga ng byahe. Sana walang aberya.
Myrna: Huwag kang magsalita ng ganyan, baka ma-jinx tayo.

Nagkatawanan kami pero sa loob-loob ko, parang may mabigat na pakiramdam. Habang tumatakbo ang bus sa madilim na kalsada, napansin ko na kakaunti ang sasakyan sa daan. Halos kami lang ang nasa highway.

Makalipas ang ilang oras, biglang pumreno ang bus. Napahawak kami sa upuan dahil muntik na kaming mapasubsob.

Delpen: Ano nangyari?
Driver: May tumawid eh. Akala ko tao, pero parang… hindi.

Nagbulungan ang mga pasahero. Ang iba, natakot. Ang iba naman, nagtatawanan na lang para hindi kabahan. Pero ako, malinaw kong nakita—isang matangkad na anino na parang nakayuko, mabilis na tumakbo papunta sa masukal na bahagi ng gubat.

Myrna: Diyos ko, parang hindi normal ang itsura nun ah.
Kaloy: Parang… hayop ba yun o tao?
Gelmor: Huwag kayong maingay, baka bumalik.

Nagpatuloy ang byahe pero ramdam kong may nakasunod sa bus. Sa bawat gilid ng bintana, may mga mata na tila nakamasid. Pakiramdam ko, hindi kami nag-iisa sa kalsadang iyon.

Biglang nagsalita ang konduktor.
Konduktor: Mga pasahero, huwag muna kayong magbukas ng bintana at huwag din kayong sumisilip sa dilim. Basta tahimik lang tayo.

Lalong nagkaroon ng kaba ang lahat.

Myrna: Bakit bawal sumilip? Ano bang meron?
Konduktor: Sa lugar na ito… madalas daw may mga nilalang na humahabol sa mga sasakyan.

Tahimik kaming lahat. Naramdaman kong lumamig ang hangin sa loob ng bus kahit sarado naman ang lahat ng bintana. May umihip na hangin na parang may kasamang bulong.

Delpen: (pabulong) Naririnig niyo ba yun?
Kaloy: Oo… parang may naglalakad sa bubungan ng bus.
Gelmor: Huwag niyo na lang pansinin, baka lalo tayong mapahamak.

Lalo akong kinilabutan. Ang yabag, malinaw kong naririnig. Mabigat. Para bang may isang malaking nilalang na nakasampa sa bubungan ng bus.

Biglang may kalabog sa likod na bahagi ng bus. Sunod-sunod na hampas na parang may gustong puma*ok. Ang mga pasahero, nagsigawan. Ang iba, nagdasal.

Driver: Huwag kayong mag-panic! Bilisan na lang natin!

Binilisan ng driver ang takbo. Ramdam kong nanginginig ang makina dahil halos sagad na sa bilis ang bus. Pero ang mga kalabog, hindi pa rin tumigil.

Myrna: Diyos ko! Hindi na ‘to normal!
Kaloy: Delpen, anong gagawin natin?
Delpen: Wala… magdasal na lang tayo.

Napapikit ako at taimtim na nagdasal. Sa loob ng ilang minuto, unti-unting tumigil ang kalabog. Pero ramdam pa rin namin ang presensya.

Pagdating namin sa isang maliit na waiting shed sa tabi ng kalsada, huminto ang bus. Kinailangan daw ng driver na magpahinga saglit dahil nanginginig na rin siya sa takot.

Nagbaba siya ng ilang pasahero para makalanghap ng hangin. Kami naman nina Gelmor, Kaloy, at Myrna, bumaba rin. Doon namin napansin na may mga bakas sa bubungan ng bus—malalaking yapak na parang hindi sa tao.

Gelmor: Nakikita niyo ba ‘yan? Hindi normal ang laki niyan.
Myrna: Para bang… parang sa hayop, pero mas malaki.
Kaloy: Ayoko na. Sana makarating na lang tayo nang ligtas.

Nagbalikan na ang lahat sa bus, at ipinagpatuloy namin ang byahe. Wala nang kakaibang nangyari pagkatapos noon, pero ang mga yapak na iyon ang nagpapatunay na hindi imahinasyon ang lahat ng nangyari.

Nakarating kami sa Samar nang ligtas, pero sa tuwing naaalala ko ang gabing iyon, kinikilabutan pa rin ako.

Hanggang ngayon, hindi ko alam kung anong nilalang ang sumakay sa bubungan ng bus. Nilalang ba iyon na matagal nang ikinukwento ng matatanda, o isa lang bang masamang espiritu na nagpakita sa amin?

Kayo, naniniwala ba kayong may mga nilalang na naglalakbay sa dilim at humahabol sa mga sasakyan sa gitna ng gabi?

Anak ng Nilalang na Aswang 😱Sender- Marvin 32 years old. Noong isang gabi, nagkayayaan kaming magkakaibigan na sina Lend...
03/09/2025

Anak ng Nilalang na Aswang 😱

Sender- Marvin 32 years old.

Noong isang gabi, nagkayayaan kaming magkakaibigan na sina Lendon, Ramon, at si Jenelyn. Girl siya at medyo mahiyain pero siya yung pinaka-matapang sa amin pagdating sa mga kababalaghan. Napag-usapan naming pumunta sa isang baryo na medyo liblib, dahil narinig namin na may kakaibang nangyayari roon. May mga tsismis kasi na may batang babae na hindi normal ang pinagmulan. Anak daw siya ng isang nilalang na matagal nang kinatatakutan ng mga tao sa baryo… isang aswang. 👀

Habang naglalakad kami sa madilim na daan, si Lendon ang unang nagsalita.
Marvin, sigurado ka ba sa gagawin natin? Hindi biro ito. Kung totoo yung bata, delikado tayong lahat.

Sumagot si Ramon na parang walang takot.
Eh ano naman? Mas okay nga yung may thrill. Kung totoo man, at least may kwento tayong maibabahagi.

Tahimik lang si Jenelyn habang naglalakad. Kita ko sa mukha niya ang kaba pero ayaw niyang ipakita na natatakot siya.

Pagdating namin sa baryo, sinalubong kami ng malamig na hangin. Ang paligid sobrang tahimik, halos maririnig mo ang tibok ng puso mo. Bigla kaming may nakitang matandang babae na nakaupo sa isang bangkito sa gilid ng kalsada. Nakangiti siya pero may kakaiba sa mga mata niya, para bang alam niyang may hinahanap kami.

Sabi ng matanda,
Mga binata at dalaga, kung naghahanap kayo ng kakaiba… wag na kayong tumuloy. May mga bagay na mas mabuting hindi na lang tuklasin.

Nagkatinginan kami, at kahit ramdam naming seryoso siya, nagpatuloy pa rin kami.

Maya-maya, narating namin ang isang lumang bahay na halos guguho na. Doon daw nakatira ang batang babae na anak ng isang nilalang. Kinakabahan ako pero pinilit kong magpakatatag.

Narinig naming umiiyak ang isang bata sa loob ng bahay. Sabi ni Jenelyn,
Narinig niyo ba yun? Parang umiiyak na babae.

Lumapit kami at sumilip sa bintana. Doon namin nakita ang isang batang babae na nakatalikod. Mahaba ang buhok niya at payat ang katawan. Nakaupo siya sa sahig at parang may nilalaro.

Si Lendon ang unang naglakas loob.
Miss, ayos ka lang ba?

Dahan-dahang humarap ang bata. At doon kami nanlumo. Ang mukha niya ay parang normal na bata, pero ang mga mata niya ay sobrang itim na walang maputing bahagi. At ang mga ngipin niya matutulis na parang hindi pangkaraniwan. 😱

Napatili si Jenelyn at biglang umatras.
Marvin! Nakakatakot siya!

Pero ang bata, ngumiti lang at nagsalita.
Bakit kayo nandito? Gusto niyo ba akong makilala? Ako ang anak ng nilalang na kinatatakutan ninyo.

Kinilabutan kami sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o kakausapin pa siya. Pero nagsalita si Ramon.
Hindi kami nandito para manakit. Gusto lang naming malaman ang totoo.

Biglang nagbago ang itsura ng bata. Ang balat niya nagkulay abuhin, at ang mga kuko niya humaba na parang pangilalim sa hayop. Lumapit siya sa amin habang naglalakad na parang walang tunog ang mga paa niya.

Si Jenelyn halos mangiyak-ngiyak na.
Ramon, umalis na tayo! Hindi ito biro!

Pero biglang nagsalita ang bata.
Wag kayong matakot. Hindi ako tulad ng iniisip ninyo. Hindi ko ginusto na maging ganito. Ako ay isinilang dahil sa kasalanan ng aking ina at ng nilalang na iyon. Pero ako’y tao pa rin.

Natigilan kami lahat. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o isa lang itong bitag. Lumapit pa siya at nagpatuloy.
Ayokong saktan ang kahit sino. Kaya lang, galit ang mga tao sa akin. Pinapalayas nila ako. Ang hindi nila alam, hindi ko naman kasalanan kung sino ang naging magulang ko.

Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng awa. Oo, nakakatakot ang itsura niya pero ramdam ko na may laman ang puso niya.

Sabi ko,
Kung ganun, bakit ka nandito mag-isa? Nasaan ang nanay mo?

Umiyak ang bata at sagot niya,
Kinuha siya ng mga taong natatakot sa amin. Hindi ko na siya nakita ulit. Kaya ako na lang ang naiwan dito.

Biglang nagtanong si Jenelyn.
Kung ganun, hindi ka ba nananakit ng tao?

Umiling ang bata.
Hindi. Gusto ko lang maging normal. Gusto ko lang maranasan kung paano maging kaibigan at mahalin tulad ng ibang bata.

Nagkatinginan kaming apat. Hindi namin alam kung maniniwala ba kami o hindi. Pero si Ramon ang nagdesisyon.
Kung gusto mo, pwede kang sumama sa amin. Hindi ka namin huhusgahan.

Ngumiti ang bata, at unti-unti bumalik sa normal ang kanyang mukha. Yung parang simpleng bata lang ulit. Pero alam kong hindi siya ordinaryo.

Sabi niya,
Salamat. Pero hindi ako pwedeng umalis. May nagbabantay sa akin dito. Ang ama ko.

Nang marinig namin iyon, biglang lumakas ang hangin. Ang mga puno sa paligid parang gumagalaw ng kusa. At doon namin nakita ang isang malaking nilalang na lumitaw mula sa dilim. Matangkad siya, mahaba ang buhok, at ang mga mata niya kasing-itim ng anak niya.

Sigaw ng bata,
Ama! Wag mo silang sasaktan!

Tumigil ang nilalang at tinitigan kami ng masama. Pero dahil sa sinabi ng bata, hindi siya lumapit. Sa halip ay bumalik siya sa kadiliman.

Hingal kaming lahat, at halos hindi makapagsalita.

Sabi ng bata,
Alam ko na takot kayo. Kaya mas mabuti nang dito na lang kayo hanggang kaya ninyo. Pero sana wag ninyo akong kalimutan.

Umalis kami na may mabigat na pakiramdam sa dibdib. Hindi namin alam kung tama bang nakita at narinig namin. Pero isang bagay ang malinaw: hindi lahat ng nilalang na iba ay masama. Minsan, sila pa ang biktima ng takot at galit ng tao.

Ngayon, sa tuwing naaalala ko ang batang iyon, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko…

👉 Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, tutulungan niyo ba siya o iiwasan niyo rin?

Kung nagustuhan mo ang kwento, i-follow mo ako para sa susunod mas maaga kang makasama.

"Ang Aking Munting Regalo"Sa isang maliit na baryong malapit sa ilog, nakatira si Nestor, isang batang payat na labingda...
31/08/2025

"Ang Aking Munting Regalo"

Sa isang maliit na baryong malapit sa ilog, nakatira si Nestor, isang batang payat na labingdalawang taong gulang. Mahirap lamang sila at nakatira sa barong-barong na yari sa yero at kawayan. Sa kabila ng hirap, masayahin siya, lalo na kapag kasama ang kanyang ina na si Aling Rosa.

Mag-isa silang mag-ina dahil pumanaw na ang ama ni Nestor. Upang mabuhay, naglalabada si Aling Rosa sa mga kapitbahay. Madalas, bitbit niya si Nestor kapag may trabaho para hindi maiwan. Lumaki ang bata na nakikita ang sakripisyo ng kanyang ina, at nangako sa sarili na balang araw, babawi siya.

Dumating ang Pasko, at habang ang ibang bata’y naglalaro ng bagong laruan, si Nestor ay tahimik lang na nakaupo sa gilid. Wala siyang regalo, ngunit pinagmamasdan niya ang mga ilaw at palamuti sa kapitbahay. Sa kanyang puso, may isang hangarin: makabigay ng regalo para sa ina.

Ngunit wala siyang pera. Sa bawat araw, nag-iipon siya ng barya mula sa maliit na tip kapag tumutulong kay Aling Rosa. Pinupulot niya rin ang mga bote at lata sa kalsada upang ipagbili. Kahit maliit lang ang kita, iniipit niya ito sa ilalim ng kanilang banig para maitabi.

Isang araw, nadaanan niya ang maliit na tindahan sa bayan. Sa estante, nakita niya ang simpleng suklay na may bulaklak na disenyo. Naalala niya kung paano palaging ginagamit ng ina ang lumang suklay na halos wala nang ngipin. Sa isip niya, iyon ang tamang regalo para kay Inay.

Araw-araw, lumulusot siya sa init at pagod para mag-ipon ng kaunting barya. Hindi siya bumibili ng kendi o laruan tulad ng ibang bata. Tanging ang suklay lamang ang nasa isip niya. Para kay Nestor, iyon ang pinakamahalagang bagay: makita ang ina niyang nakangiti kahit minsan lang.

Dumating ang bisperas ng Pasko. Sa wakas, sapat na ang ipon niya. Patakbong pumunta si Nestor sa tindahan, dala ang mga baryang nakalagay sa lumang kahon ng posporo. “Ate, paki-balot naman po ang suklay. Para po kay Inay,” mahina niyang sabi, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Nagulat ang tindera nang makita ang perang puro barya. Ngunit nakita niya rin ang tapat na pagmamahal sa mata ng bata. Tahimik niyang kinuha ang suklay at ibinalot ito sa makulay na papel, nilagyan ng maliit na la*o. “Eto, anak. Sana magustuhan ng nanay mo.”

Umuwi si Nestor, hawak-hawak ang maliit na kahon. Sa kanilang barong-barong, nadatnan niya ang inang pagod at nakahiga, nangingitim ang kamay sa kakalaba. Lumapit siya at iniabot ang regalo. “Inay, maligayang Pasko po. Sana magustuhan ninyo.” Nanginginig ang kanyang tinig, nangingilid ang luha habang nakangiting nag-aabot.

Dahan-dahang binuksan ni Aling Rosa ang kahon. Nang makita ang suklay, tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Anak, paano mo ito nabili?” Mahigpit na niyakap ni Nestor ang kanyang ina. “Nag-ipon po ako, Inay. Gusto ko pong magkaroon kayo ng bago, kasi laging sira ang gamit ninyo.”

Mahigpit silang nagyakap. “Anak,” bulong ng ina, “hindi ko kailanman makakalimutan itong regalo. Hindi dahil sa halaga nito, kundi dahil pinaghirapan mo. Ang pinakamagandang regalo ay ang pagmamahal na kasama nito.” Pareho silang umiyak, ngunit ang luha ay may halong saya at pag-asa.

Kinabukasan, isinuklay ni Aling Rosa ang kanyang buhok gamit ang bagong suklay. Habang nakatingin siya sa salamin, nakita niya ang sarili—hindi bilang pagod na labandera, kundi bilang ina na mahal na mahal ng kanyang anak. Ang simpleng suklay ay naging simbolo ng kanilang pagmamahalan at pagtitiis.

Lumipas ang mga taon, ngunit hindi kinalimutan ni Nestor ang araw na iyon. Sa bawat tagumpay na kanyang nakamit, lagi niyang inaalala ang unang regalong ibinigay niya sa kanyang ina. Ang simpleng suklay na iyon ang nagsilbing inspirasyon upang magsumikap siya sa buhay.

---

Aral ng Kwento

Ang tunay na regalo ay hindi nasusukat sa halaga o ganda ng bagay, kundi sa pagmamahal at sakripisyong kalakip nito. Kapag ang isang bata’y marunong magmahal at magsakripisyo, iyon ay patunay ng mabuting pagpapalaki ng magulang. Ang pusong handang magbigay, kahit kapos, ang pinakamayamang pusong umiiral.

Address

Talibon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GÃBI NG LÃGĪM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share