17/08/2026
π ODL FOR DAN β MARAMING SALAMAT! β€οΈπ
Tagumpay ang ating One-Day League for a Cause para kay Dan! Hindi ito magiging posible kung wala ang oras, effort, suporta, at pakikiisa ng bawat isa.
Maraming salamat sa lahat ng players at teams na sumali at naglaro hindi lang para manalo, kundi para makatulong. Salamat din sa ating coaches na gumabay at sumuporta sa kanilang mga manlalaro.
Taos-pusong pasasalamat sa buong organizing committee na tumulong mula preparation hanggang matapos ang event, at sa ating referees at table officials na nagbigay ng oras at serbisyo para maging maayos at fair ang bawat laro.
Maraming salamat din sa Barangay San Vicente sa pagtanggap at pagsuporta sa ating event, at sa ating SK Chairman Josh De Villa sa pakikiisa at tulong upang maisakatuparan ang liga.
Higit sa lahat, salamat sa lahat ng nag-donate, nag-share, nanalangin, nanood, at nagpakita ng suporta para kay Dan at sa kanyang pamilya.
Ang event na ito ay patunay na kapag nagkaisa ang basketball community, mas higit pa sa laro ang kaya nating gawin. Sama-sama tayong nakapagbigay ng tulong, pag-asa, at suporta para sa isang kapwa manlalaro. πβ€οΈ
Muli, maraming maraming salamat sa inyong lahat!
Para kay Dan. Para sa basketball community. Para sa bayanihan. πβ€οΈ