06/05/2026
βSABAY TAYOβ
Tahimik lang nung una
walang nakakapansin,
ilang bata sa gilid
gustong sumabay din.
Bola ang dahilan
pero higit pa roon,
may kwento bawat galaw
may pangarap na baon.
Hindi kailangan ng pangalan
para marinig,
bastaβt totoo ang laro
kusang kang lalapit.
Laro na walang kapalit
oras ang puhunan,
dito nagsisimula
ang pagbabago ng daan.
Kung saan ka man nanggaling
may lugar ka sa aminβ¦
SINGLE JOKER!!!
tawag ng laban, sa bawat galaw may direksiyon pinupuntahan;
Hindi lang laro, di lang sandali,
buhay ang hinuhubog sa bawat pagkakamali.
SINGLE JOKER!!!
kapit lang sa hirap at ginhawa
tuloy ang laban;
sa SANTA MARIA, sabay-sabay umaangat, walang naiiwan
kahit sino pa yan.
May pagod, may dudang dumarating din,
pero hindi natatapos
sa isang pagkakamali.
Sa bawat turo
may batang lalakas,
unti-unting nagiging
handa sa bukas.
Hindi kailangang
maging magaling agad,
bastaβt may puso
may lakas kang sapat.
Dito sa amin hindi ka mag-iisa,
kasama mo kami sa bawat simulaβ¦
SINGLE JOKER!!!
sigaw ng Bayan,
hindi ka nag-iisa sa laban,
sa bawat pasa, sa bawat galaw
may pangarap na unti-unting natutupad.
SINGLE JOKER!!!
tuloy lang hanggang dulo ng laban,
sa SANTA MARIA iisang tinig
pag-asaβy buhay, hinding-hindi mapipigilβ¦ π€‘
Credit to: Bogs Nipay