19/04/2026
FROM BEING PART OF THE GAME… TO BECOMING PART WHY IT’S STILL GOING✨
Dati, nasa loob lang sila ng court—nakikipaglaro, nakikisabay, gumagawa ng sariling memories. Ngayon, sila na yung nasa likod ng lahat—nag-oorganize, naghahanap ng sponsors, at gumagawa ng paraan para siguradong may liga pa rin taon-taon
Hindi madali yung responsibilidad, pero pinipili pa rin nilang gawin… hindi para magyabang, kun’di para mapanatili yung saya at maipasa sa mga batang susunod yung experience na minsan sila rin ang nag-enjoy.
At sa bawat taon na natutuloy ang liga sa Burayag, hindi lang laro ang nabubuo—kundi kwento, pagkakaisa, at isang tradisyon na pinapasa from one generation to another.✨❤️