05/08/2026
WALANG PASOK SA PAMPANGA
Suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa gobyerno sa Pampanga, NCR at 21 pang probinsya sa Huwebes, August 6, 2026.
Batay sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President, kabilang sa mga apektadong lalawigan ang Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Occidental Mindoro.
Ipinatupad ang suspensyon dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng pinalakas na Southwest Monsoon, kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensiyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster response, at iba pang mahahalagang serbisyo.
Binigyang awtoridad naman umano ang employer sa pribadong kumpanya at tanggapan ang pagsuspinde ng trabaho para sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado.