13/04/2025
“Bakit Paulit-ulit si Coach?” 🤔
Bilang isang coach, madalas kong naririnig ang mga salitang: “Paulit-ulit lang naman ang training.”
Oo, inuulit-ulit ko ang isang drill o stroke — hindi dahil wala na akong maituro, kundi dahil hindi pa ito nagagawa nang tama at consistent. Ang paulit-ulit na training ay hindi aksidente. Isa itong intentional at importanteng bahagi ng proseso.
Hindi natin pwedeng laktawan ang basics at fundamentals. Kasi sa dulo ng bawat rally, ang tamang stroke at footwork ang magdadala sa iyo ng panalo, hindi ang pabibo o shortcut.
May iba na nagsasabing, “Coach, pahinga muna ako. Parang wala namang bago sa training.”
Ang tanong: Perfect mo na ba talaga ang bawat stroke, footwork, timing, at decision making sa court?
Kung oo, bakit ka pa natatalo? Bakit ka pa nagkakamali sa game?
Hindi ko ipapagawa nang paulit-ulit ang isang drill kung alam kong master mo na ito.
Ang tunay na atleta ay nauunawaan na ang repetition ay susi sa mastery.
Hindi madali, pero tiyak ang resulta.
Kaya sa mga seryoso, tuloy-tuloy lang. Sa mga nagdududa, balikan nyo ang dahilan kung bakit kayo nagsimula.
Ang consistent na training ay hindi para sa mayabang, kundi para sa gustong mag-level up.
“Repetition is the Key to Mastery” 🏸💪