31/12/2025
Moo-nigong Bagong Taon! Taos-puso ang pasasalamat ng National Dairy Authority sa ating mga masisipag na dairy farmers at mga stakeholder sa inyong suporta at dedikasyon nitong 2025.
Dahil sa ating patuloy na pagtutulungan at sama-samang pagsusumikap, patuloy na umaangat ang milk production at sufficiency ng bansa, isang malinaw na patunay na kaya nating itaguyod ang lokal na industriya ng paggatasan at palakasin ang kabuhayan ng bawat pamilyang nasa sektor.
Sa pagpasok ng 2026, muling pinagtitibay ng NDA ang pangakong mas maglilingkod, mas makikinig, at mas magsisikap na magpatupad ng mga programang tunay na makatutulong sa ating dairy farmers at sa buong industriya.
Sama-sama nating isulong ang mas masiglang kinabukasan para sa lokal na gatas, para sa bawat magsasaka, para sa bawat Pilipino, tungo sa isang Masaganang Bagong Pilipinas. ๐ฅ๐ฅณ๐