23/07/2026
Batay sa Department of Education (DepEd) Memorandum No. 019, s. 2026 o Key Updates on the 2026 Palarong Pambansa, itinakda ang age eligibility ng mga atletang maaaring lumahok sa Palarong Pambansa 2027.
Kasama sa memorandum ang rolling birth date cut-off para sa mga susunod na edisyon ng pambansang palaro.
Ayon sa memorandum, ang mga atleta sa Elementary Division ay dapat ipinanganak noong o pagkatapos ng Enero 1, 2014, habang ang mga kalahok sa Secondary Division ay kinakailangang ipinanganak noong o pagkatapos ng Enero 1, 2009 upang maging kwalipikado sa Palarong Pambansa 2027.
Nakasaad din sa parehong memorandum na ang mga atletang ipinanganak bago sa mga itinakdang petsa ay maituturing na overage at hindi na papayagang makilahok sa School, Division, Regional Meets, at Palarong Pambansa.
Pinapayuhan ang mga atleta, coaches, school heads, at sports coordinators na sundin ang mga umiiral na DepEd guidelines at hintayin ang iba pang implementing issuances na maaaring ilabas kaugnay ng preparasyon para sa Palarong Pambansa 2027.