22/08/2026
Kung wala kang motivation today, panoorin mo ito.
…
Oh diba walang nangyari🤣Nakatayo lang ako. Tumunganga ka lang😂
Baka hanggang ngayon hinihintay mo pa rin dumating yung motivation bago ka kumilos.
Eto yung problema:
Hindi palaging nauuna ang motivation bago ang action.
Madalas, action muna bago motivation.
☝🏼Hindi mo kailangan ma-feel na ganado ka bago mag-training.
☝🏼Hindi mo kailangan ma-inspire bago magtrabaho.
☝🏼Hindi mo kailangan maging “ready” bago simulan yung matagal mo nang iniiwasan.
Kasi kung hihintayin mong dumating muna yung tamang feeling…
baka wala ka talagang masimulan.
Ganito pakiramdam ko sa Running🤣. Ayaw kong tumakbo pero gustong gusto ko yung resulta. Kaya ginagawa ko rekta na agad di ko na hinahayaan makipag negotiate pa ako sa inner bitch ko🤣
Motivation is unreliable.
Minsan mataas. Minsan wala. Minsan isang Reel lang, motivated ka na. After 10 minutes, tinatamad ka na ulit. 😂
Pero yung ability mong kumilos kahit wala kang gana?
ITO ANG PINAKAIMPORTANTE AT DAPAT MONG ULIT ULITIN HANGGANG MAGING AUTOMATIC NA.
And funny enough, habang ginagawa mo na yung bagay na ayaw mong simulan…
dun kadalasan sumusunod yung motivation.
So kung wala kang motivation today:
Good. Gawin mo pa rin.
Stop waiting to feel like doing it.
Do it long enough, and eventually your feelings will catch up.😉