31/05/2026
HAPPY QC BIKE DAY, MGA KA-PADYAK!
Ngayong huling Linggo ng Mayo, ipinagdiriwang natin ang QC Bike Day alinsunod sa Ordinance No. SP-2551, Series of 2016, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng pagbibisikleta sa pagbuo ng mas ligtas, mas malusog, at mas sustainable na lungsod.
Bilang isang responsive at people-centered na lokal na pamahalaan, patuloy ang Quezon City sa pagpapatupad ng mga programa, polisiya, at imprastrakturang nagsusulong ng active mobility at mas ligtas at maginhawang espasyo para sa mga siklista.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpadyak tungo sa mas bike-friendly, inclusive, at climate-resilient na Quezon City para sa lahat.