04/05/2022
Pagbati sa Atimonan Paddlers na Table Tennis group sa bayan ng Atimonan na muling nagkamit ng parangal sa isinagawang 1st National Age Group and Veterans Table Tennis Tournament nitong April 30, 2022 na ginanap sa Victorious Volleyball & Badminton Court (VVBC) Purok 1 Brgy. Palumlum, Matagbak - Palumlum Rd, Alfonso, Cavite.
Congratulations kay Zion Cabalu ng Atimonan Paddlers na itinanghal na Champion sa Boys 10 & under at Boys 12 & under na Category. Ganun din kay Erich Torzar ng Atimonan na itinanghal ding Champion sa Girls 10 & under na Category, kay Zoey Cabalu ng Atimonan Paddlers na nagkamit ng 2nd place sa Girls 12 & under Category at nag 3rd place naman sa Girls 14 & under Category. Mula din sa Atimonan Paddlers na si Kimberly Amandy ay nagkamit ng 3rd place sa Girls 17 & under Category.
Patuloy ninyong ipagmalaki ang galing at lakas ng mga Atimonanin. Maraming salamat sa pagrepresenta sa ating bayan ng Atimonan sa ngalan ng pampalakasan. Patuloy kaming humahanga sa kakayahang taglay ng bawat Atimonanin sa larangan ng sports.
Sa ngalan ng aming pamilya kasama ang bumubuo ng nagkakaisang at Serbisyong Tunay at Natural sa pangunguna ng Gov. Doctor to be ng lalawigan ng Quezon โ Doktora Helen Tan at Atorni Mike Tan ay muli kaming bumabati sa inyong panibagong karangalan!