10/09/2026
Kapag walang inklusibo, matatag, at sustainable na sports program sa mga isla at probinsya man, hindi mawawala ang talento, lilipat lamang ito kung saan mas natutugunan ang pangangailangan nitong umunlad.
Human development teaches us that unmet needs drive people to seek opportunities elsewhere. Sa sports, athlete migration is not merely a choice, it can be a symptom of systemic gaps.
Kaya kailangan natin ng evidence-based regional sports programs,hindi lamang para makahanap ng talento, kundi para mapanatili, mapaunlad, at mabigyan sila ng dahilan upang manatili.
Maaaring magbago ang sistema ng representation ng mga atleta sa Palarong Pambansa kung maisasakatuparan ang isang proposed policy na naglalayong iparepresenta ang athletes sa rehiyon kung saan sila ipinanganak.
Inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Atty. Patrick โPatoโ Gregorio ang panukala sa isinagawang Sports and Youth Summit.
Ayon kay Gregorio, napag-usapan na ang naturang proposal sa Palarong Pambansa Board at inaasahang maglalabas ang Department of Education (DepEd) ng official order sakaling tuluyang maaprubahan at maisakatuparan ang pagbabago.
Kung magiging official, ang birthplace ng isang atleta ang magiging basehan ng region na kaniyang kakatawanin sa Palarong Pambansa. Ibig sabihin, kahit lumipat ang isang athlete sa ibang lugar para mag-aral o magsanay, maaari pa rin siyang kumatawan sa region kung saan siya ipinanganak.
Kasama rin sa proposed policy ang mga student-athletes ng National Academy of Sports (NAS). Kung maisasakatuparan, ang kanilang medals sa Palarong Pambansa ay ibibilang sa kanilang pinanggalingang region.
Ayon kay Gregorio, isa sa mga dahilan ng panukala ay ang patuloy na recruitment ng mahuhusay na provincial athletes ng mga paaralan sa National Capital Region (NCR).
Sa nakalipas na mga taon, naging dominanteng delegation ang NCR sa Palarong Pambansa. Aniya, umabot na sa punto na sa opening parade pa lamang ay madalas nang napag-uusapan kung sino ang magiging second placer dahil sa matagal na dominance ng NCR.
Kung tuluyang maisasakatuparan, maaaring magkaroon ng malaking pagbabago sa competitive landscape ng Palarong Pambansa, partikular sa paraan ng pag-credit sa medals at representation ng mga student-athletes mula sa ibaโt ibang rehiyon.
SOURCE: Daily Tribune | Atty. Patrick โPatoโ Gregorio, Chairman, Philippine Sports Commission โ Sports and Youth Summit.
Note: Proposed policy pa lamang ito. Ang final implementation at eksaktong rules ay nakadepende sa magiging official order ng Department of Education.