20/07/2026
WUSHU PASIGLYMPICS 2026
JULY 18-19, 2026💪
MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!❤️🙏
Matagumpay na natapos ang Wushu Pasiglympics 2026 noong July 18 at 19, 2026! 🥊💪
Hindi ito magiging posible kung wala ang suporta at pagtutulungan:
Sa aming pinaka minamahal at butihing Mayor HON. VICTOR MA. REGIS “VICO” NUBLA SOTTO at sa buong LGU PASIG na pinangungunahan ni coach Rechie J. Tugawin Executive Assistant V/Sports Program Coordinator, Maraming maraming! salamat po sa walang sawang suporta, tiwala, at pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga atleta na maipakita ang galing ng Pasigueño. Ang inyong suporta sa palakasan ay malaking inspirasyon sa aming lahat! 🙏
SA MGA TECHNICAL OFFICIALS (Coach Jessie Aligaga, Coach Clemente Tabugara WFP and WUSHU Pasig Coaches)Maraming salamat po sa inyong propesyonalismo, katumpakan, at pagpapanatili ng patas at maayos na takbo ng paligsahan. 🥊
Sa Ating WUSHU FEDERATION OF THE PHILIPPINES Taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong pagpayag at pagtugon sa aming kahilingan para sa mga Technical Officials at paggamit ng mga kagamitan sa Wushu. Malaking tulong po ito upang maging maayos, lehitimo, at ligtas ang ating paligsahan. Salamat sa patuloy na paggabay at pagpapalago sa isport na ito sa ating bansa! 🇵🇭
Sa Ating mga Athletes/Atleta Sa Bawat galaw, bawat ensayo, at bawat laban ay patunay ng inyong dedikasyon. Congratulations! sa lahat ng sumali at sa mga napiling pasok sa Batang Pinoy training pool!
Muli Maraming Salamat 🫶🥊❤️
Jiayou Pasig Wushu Team!
📸Coach Zafra & Gayleen
✍️ Coach Lucman