02/07/2026
Maligayang Araw ng Pasig๐๐๐
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ !
Ngayong anibersaryo ng pagkakatatag ng ating lungsod, buong puso nating ipagdiwang ang mayamang kultura, makulay na kasaysayan, at natatanging pamana na siyang humubog sa ating pagkakakilanlan bilang isang nagkakaisa at matatag na komunidad.
Sa gitna ng mga hamon at krisis na kinakaharap natin ngayon, pinili nating gunitain ang mahalagang okasyong ito sa isang payak ngunit makabuluhang pagdiriwangโisang pagpapakita ng ating malasakit, pagiging responsable, at pagkakaisa sa pagtugon sa pangangailangan ng bawat mamamayan.
Higit sa anumang programa o pagdiriwang, ang tunay na diwa ng anibersaryo ay makikita sa aktibong suporta, pakikiisa, at pakikilahok ng bawat isa.
Sa sama-sama nating pagkilos, patuloy nating napapangalagaan ang ating mayamang pamana at naitataguyod ang isang mas maunlad, matatag, at mapagmalasakit na lungsod para sa susunod na mga henerasyon.
Muli, Maligayang Araw ng Pasig mga Pasigueรฑo!
Patuloy nating ipagmalaki ang ating kultura, pahalagahan ang ating kasaysayan, at isabuhay ang diwa ng pagkakaisa para sa ikabubuti ng Lungsod Pasig!