04/08/2026
Official tambike night coffee 💯
Lubos kaming nagpapasalamat sa District Coffee sa pagbubukas ng kanilang lugar at pagtitiwala sa aming tambike community. Malaking bagay ang inyong suporta upang magkaroon kami ng isang ligtas at maayos na lugar para magsama-sama, magkape, at magbahagi ng iisang hilig sa motorsiklo.
Bilang kapalit ng kanilang kabutihan, hinihiling namin sa lahat ng dadalo na respetuhin ang lugar, panatilihing malinis ang paligid, at iwasan ang anumang gawain na maaaring makaabala sa komunidad—lalo na ang pop & bangs at sobrang ingay. Ipakita natin na ang tunay na tambike community ay disiplinado, responsable, at marunong rumespeto.
Maraming salamat, District Coffee! Excited na kaming makasama kayo. Kita-kits sa August 8, 2026, 10PM onwards! ☕🏍️💨