05/08/2026
Good Vibes lang tayo!
Agree ba kayo
Para sa akin, dapat talaga magkaroon na ng sapat na budget ang sports sa bawat barangay.
Kaysa ilaan lahat sa mga ayudang panandalian lang, mas maganda kung mag-invest tayo sa mga programang pangmatagalan.
Kung bubuhusan natin ng budget at suporta ang sports, hindi lang mga bata ang matutulungan pati mga magulang magkakaroon ng pag-asa.
Dahil sa sports, malalayo ang kabataan sa bisyo. Matututo sila ng disiplina, teamwork, at respeto.
At habang naglalaro sila, nagkakaroon din ng community at pagkakaisa ang buong barangay.
Sports is not an expense. It's an investment.
Investment sa kalusugan, sa kinabukasan, at sa pag-asa ng
panahon na para baguhin natin siguro yung priority. na lagi natin nakikita at binibigay sa bawat barangay ?
importante ang ayuda. Pero what if gawin nating long-term yung tulong?
Let's put more budget sa sports.
Para sa mga bata may mapaglilibangan na healthy.
Para sa mga magulang may pag-asa na yung anak nila may future sa sports, skills, at disiplina.
Para sa barangay mas tahimik, mas active, at mas nagkakaisa.
Hindi lang tayo dapat nagbibigay ng pang-isang araw. Dapat nagbibigay tayo ng pag-asa
And that starts with sports, education, and opportunity.
PS:
Bigyan natin ng court, coaches, at equipment yung mga bata.