13/05/2025
Mula sa kaibuturan ng aking puso, ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aking kampanya nitong nagdaang halalan—sa mga tumulong, sumuporta, nagdasal, at naniwala sa aking kakayahan at hangarin.
Dahil po sainyo, nabigyan ulit tayo ng pagkakataon na makapaglingkod at makapag silbi. Hindi po namin sasayangin ang pagkakataon na ito.
Hindi po madali at basta basta lang binibigay ang pagmamahal, suporta at pagtitiwala. Makakaasa po kayo na araw-araw kong pagtratrabahuhan ang inyong pagmamahal, suporta at pagtitiwalang ibinigay
Maraming salamat muli. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat. Balik trabaho na po ulit tayo 🙏🏼🙏🏼🙏🏼
Basta nasa tama, basta kaya...
Lagi niyo po akong kasama.
Ako po si Engr. Pablo "Paolo" Olivarez II, ang Partner mo sA konsehO!