06/07/2026
Hello ka-Alab!🏀🔥 May mga katanungan ka ba tungkol sa ating liga? Halika't basahin ang mga nasa ibaba, baka sakaling masagot natin 'yan.
1️⃣ Magkano po ang Entry Fee?
- Php.3,000 po
2️⃣ Kailangan po ba ibigay na yung Php.3,000 kapag nagpasa ng Line-up Form?
- 50% (Php.1,500) po ang kailangang maibigay kapag nagpasa ng Line-Up Form.
Note: For Midget Division, kasabay ng pagpapasa ng Line-Up Form, ipapasa din ang inyong Parental Consent na may lagda ng inyong magulang/guardian.
3️⃣ Hanggang kailan po pwedeng kumuha at magpasa ng Line-Up Form?
- Dahil sa request ng ating mga players, ieextend po natin ang pasahan ng Line-Up Form. Maaari po kayong magpasa until July 10, 2026.
4️⃣ Kailan po kailangang maibigay ang Entry Fee?
- Ang 50% (Php.1,500) po ay kailangang maibigay until July 10, 2026, while the other 50% po ay kailangang maibigay sa July 24, 2026.
5️⃣ Magkaiba po ba ang Entry Fee sa bayad per game?
- Yes po. Yung Entry Fee po na Php.3,000 ay gagamitin para sa mga sumusunod:
• Cash prizes - Winning Teams
• Cash Prizes - Muse
• Trophies, Medals, and Certificates
• Lights and Sounds
• Foods of referees
• Lights, Ring, Net, Scorebooks, and Ballpen
• Pintura at Bola
• Emergency Cash (payment for referees kung sakaling umulan or magkaroon ng default).
• Other Related Expenses
Samantalang ang bayad per game po ng bawat teams ay payment for our referees.
• Midget - Php.400
• Junior - Php.450
• Senior - Php.450
6️⃣ Kailangan po ba kumpleto (sando and short) ang jersey?
- Upang mas maging bukas para sa ating mga manlalaro, pinapayagan na po natin ang sando lang. Ngunit kung maaari at kaya din lamang, mas maganda po kung kumpleto ang ating isusuot.
Note: Kung may existing o dating jersey na po ang team ay maaari po itong gamitin, siguraduhin lamang po na ang bawat manlalaro ay iisang jersey ang susuotin.
7️⃣ Ilang po ang pwedeng players per team?
- Maximum of 15 players po.
8️⃣ Kailan po ang opening?
- July 25, 2026 po.
Note: Maaari pong mabago ang date ng opening kung sakaling magkaroon ng unfortuitous event.
9️⃣ Required po bang umattend sa Opening?
- Required po na magkaroon ng more than 3 representatives ang bawat team sa ating parada. Paalala din po na sisimulan natin ang laro sa Opening kaya siguraduhing nakahanda ang inyong team.
MAHALAGANG PAALALA:
📌Para po sa mga nagpasa ng Line-Up sa ating mga coordinators, make sure po na naibigay/nailagay ang mga sumusunod:
• 1x1 picture
• Full Name
• Jersey Color (msg the coordinators para sa mga available pang kulay)
📌Upon payment of the Php 1,500 entry fee and submission of the Line-Up Form, all transactions are considered final and non-refundable. Registered teams and players are expected to proceed with the competition.
Para sa iba pang katanungan, i-msg lamang po ang ating mga coordinators:
Angeline Sacdalan
Ember Leigh Estrella
Norie Jane Mendoza Sevilla
Halika na mga Tropa! Ihanda na ang barkada para sa pinakamainit na liga!🏀🔥