12/06/2026
Isang Maalab na Pagbati ng Maligayang Araw ng Kalayaan mula sa Reriet Young Builders Association (RYBA)!
Sa makasaysayang araw na ito, ika-12 ng Hunyo 2026, ang buong pamunuan at kasapi ng RYBA ay kaisa ng buong bansa sa paggunita at pagpaparangal sa kabayanihan ng ating mga ninuno. Ang kanilang sakripisyo ang nagbigay-daan sa kalayaang tinatamasa natin ngayon—isang kalayaang nagbibigay sa atin ng lakas upang magpatuloy sa pagbuo ng mas matatag na kinabukasan.
Bilang mga kabataang tagapagtayo (builders) ng hinaharap, nawa’y gamitin natin ang biyayang ito upang maging arkitekto ng positibong pagbabago, pagkakaisa, at pag-unlad sa ating komunidad. Mabuhay ang Pilipinas!