16/02/2023
attention po!! sa mga naglalaro po sa villa subdivision phase 2 basketball court, sana po pag nakita nyong may sira yung ring or kung anuman sa pinaglalaruan natin kung pwede remedyohan nyo po bago din kayo magalaro hndi po yung nakita na nating sira eh tuloy pa tayo sa paglalaro, hndi po sukatan ang pag bitin sa net kung gaano ka kataas tumalon.. sana po alagaan din natin hndi yung puro gamit lang tayo. sira na po yung net pero anduon parin nakasabit , ngayon po pati yung pinagsasabitan ng net putol na rin, hndi po basta basta mapuputol yun kung hndi sinabitan ng sobra. kahit hndi po sa amin yang court menementain namin yan may magamit lang tayo, nakakahiya din sa mga nag sponsor nyan kapag nakita nilang ganun, kaya sana po please lang, yan lang po yung iingatan nati kahit hndi sa atin, kasi tayong lahat po ang nakikinabanh jan..,
kung nakita nyong may maluwag na turnilyo pwede nyo rin namanh higpita muna bago maglaro,
kung nakita nyong sira na yung net pwede nyo namang itali muna para maayos tignan bago maglaro,
at kung nakita nyong sira , pwede naman lumipat muna sa ibang court para makapaglaro kayo, hndi yung nakita nyo ng sira eh sisirain nyo pa lalo.
hayaan nyo aayusin at aayusin namin yan, kahit hndi kayo tumulong, ingatan nyo lang kapag ginagamit nyo yun lang gusto naming kapalit. salamat po , at pasensya na din po..