16/01/2026
"PAGKATALO"
Masakit MATALO, minsan ito yung dahilan kung bakit naiisip natin na dapat pa ba tayong magpatuloy ,at minsan nawawalan na tayo ng gana sa paulit-ulit na pagkatalo.
Pero PALAGI mong tatandaan, hindi LAHAT ng laban KAYA MONG IPANALO, kahit gaano pa kayo kagaling darating at darating ang panahon na matatalo kayo.
Dahil ang volleyball parang BUHAY, sa buhay natin may pagkakataon na natatalo tayo sa mga maling desisyon natin pero ang mahala natuto tayo at muling BUMANGON.
Tandaan mo MATALO ka man ng PAULIT ULIT , hindi na mawawala ang ARAL AT KARANASAN ibinigay nito sayo, masayang karanasang kasama ang mga teammates mo, at mga taong naniniwala na kaya mo!
Minsan ito yung mas importante , hindi lang panalo, dahil kung para sayo natalo kayo, para sa AMING NANINIWALA SA INYO PANALO PARIN KAYO!