07/12/2025
MTAG
πππππππ πππππππ ππ ππππππππ πππππππ ππ πππππ ππ ππππππππ
PATULOY pa rin ang pagbomba ng tubig ng mga kabomberohan ng Bureau of Fire Protection Midsayap at mga fire volunteers para maapula ang apoy na lumalamon sa tatlong palapag na gusaling sa bahagi ng National Highway, Quezon Avenue, Barangay Poblacion 6, Midsayap, Cotabato ngayong araw ng Linggo, Disyembre 7, 2025.
Sa nangyaring sunog, agad na rumesponde ang 4 na fire hydrant ng BFP Midsayap, Hydrant ng REACT, De Rose Shopping Store maging ang Water tanker ng LGU Midsayap at ng Sunstone Construction para pagtulongan na maapula ang apoy.
Pinadala din ni Mayor Rolly UDM Sacdalan ang boom-truck ng LGU para magamit ng mga kabomberohan dahil sa taas ng building na nasusunog.
Mabilis na napasok ng mga fireman at firevolunteers ang mismong gusali dahil sa mabilis na reponde ng mga trained fire volunteers mula sa MDRRMO, Responders of Midland at maraming iba pa.
Nagpadala din ng mga ambulance ang RHU sa lugar para masiguro na agad maagapan ang mga possibleng masugatan sa nagaganap na sunog.
Nagdeploy din ng mga tauhan ang Midsayap MPS kasama ang mga Traffic Enforcers at ang 34th Infantry Battalion sa palibot at sa highway para i-kontrol ang daloy ng trapiko at ang tao at maiwasan din ang possibleng looting dahil sa business stablishments ang nasa lugar.
Hindi pa tukoy ang pinagmulan ng sunog at halaga ng sunog na tumupok sa bahagi ng building.
Sa kasalukuyan ay hindi pa maipahayag ng BFP Midsayap kung kumusta ang status ng building at kung may mga nadamay ba sa nangyaring sunog.
Ang dagdag na detalye susunod pa! Follow us!