10/03/2026
Isang gayat๐ฒ
๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฑ๐๐พ๐๐ฒ, ๐ก๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐๐๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐ฑ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐ข๐ฐ๐ฐ๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ, ๐ต๐ฌโ๐ด๐ต
Isang makapigil-hiningang laban ang ipinakita ng koponan ng Marinduque laban sa Occidental Mindoro matapos nilang masungkit ang panalo sa iskor na 90โ89.
Mainit ang naging bakbakan ng dalawang koponan mula sa unang bahagi ng laro. Sa gitna ng paghabol ng Occidental Mindoro sa ikatlong yugto ng laro, naging pamatay sunog ang perimeter shot ni Magdalita ng Marinduque pampahinto sa momentum ng kalaban. Nakatulong ito upang mapigil ang pag-init ng opensa ng Occidental Mindoro at mapanatili ang bentahe ng Marinduque. Ngunit pagsapit ng pagtatapos ng ikatlong quarter, nagawa pang idikit ng Occidental Mindoro ang kanilang iskor sa 70, na lalong nagpaigting sa tensyon sa loob ng court.
Pagpasok ng ikaapat na quarter, agad na rumatsada ang Marinduque at nagtala ng 7โ0 run upang palawakin ang kanilang kalamangan. Gayunpaman, matapos ang timeout ng Occidental Mindoro ay agad din silang nakabawi at nagposte ng 5โ0 run, dahilan upang manatiling dikit ang laban.
Sa kabila ng pagsubok ng Occidental Mindoro na makalamang, nagawang mapanatili ng Marinduque ang kanilang bentahe sa loob ng huling limang minuto ng laro.
May ilang segundo na lamang nang magkaroon ng pagkakataon si Kurt Moredo ng Marinduque sa free throw line upang dagdagan ang kanilang kalamangan. Isa lamang ang kanyang naipasok mula sa dalawang tira, na nagdala sa iskor na 90โ86.
Sa huling sandali ng laban, nagawa pang makapagtala ng three-point shot ang Occidental Mindoro, ngunit hindi na ito sapat upang maagaw ang panalo. Tuluyang nagtapos ang laban sa iskor na 90โ89, pabor sa Marinduque.
Sa kabila ng matinding hamon mula sa kalabang koponan, ipinakita ng Marinduque ang kanilang determinasyon at composure upang maselyuhan ang panalo sa isang tunay na dikdikang laban. ๐๐ฅ
Result of Game
Event: Basketball Secondary Boys
Marinduque โ 90
Occidental Mindoro โ 89
Winner: Marinduque
Coach: Denise Hermosa
Asst. Coach: Loui Lastica