14/07/2026
SWISH BASKETBALL LEAGUE | SEASON 2
WHO IS GETTING COOKED? OR ARE YOU READY TO COOK?
Hindi ito ung nakasanayan nyo na liga na monthly ang takbo, kung nung season 1 ay 2 days lang ngayong season 2 ay 4 days na PURE MAYHEM na. Dalawang magkasunod na weekends na puno ng bakbakan. Nakita nyo naman ang kiskisan na nangyare nung Season 1.
Ito ang dapat ninyong abangan sa SBL Season 2
THE ROAD TO THE CHAMPIONSHIP (4-Day Format)
Walang kaabog abog ang takbo ng liga natin. Saturday at Sunday lang, basic pero madugo:
WEEKEND 1: KILL ROUND (One & Done)
12 Teams papasok, 6 lang ang matitira. Walang luto, walang iwasan. Ang tapatan? Pagdedesisyunan ng live via Roleta System sa Captain Ball GC!
WEEKEND 1: THE RESURRECTION (Wildcard Match)
Natalo pero lumaban nang sabayan? Ang dalawang koponan na may pinakamaliit na puntos ng pagkatalo ay maghaharap para sa natatanging Wildcard slot. May pagasa pa ibig sabihin.
WEEKEND 2 (SATURDAY): NO MERCY ROUND
Knockout match ulit para sa natitirang anim. Ang koponang makakakuha ng pinakamalaking bentahe (highest point differential) ay aabante bilang Rank 1 Seed!
WEEKEND 2 (SUNDAY): CHAMPIONSHIP SUNDAY
Rank 1 Advantage: Ang makakuha ng Rank 1 Seed ay may automatic +7 Points agad pagpasok ng Semis laban sa Wildcard team! Scoreboard starts at 7-0!
THE JUDGEMENT DAY: Ang huling dalawang koponang matitira ay magtatapat sa harap ng buong pamayanan para sa kampyonato
EXCLUSIVE SBL REVERSIBLE JERSEY: Ang official design ng Swish ay exclusive lang para sa atin. No Payment, No Production. At ang maganda rito? Ang jersey na ito ay valid gamitin para sa susunod na 1hanggang 2 seasons ng SBL.
INTERESADO? For more details message lang sa page or sa iilang officials ng Swish Basketball League.