12/10/2024
Ang isa sa pinakahihintay na sagupaan ng dalawang koponan ay narito na! Sa paparating na Sabado, October 12, 2024, magtatagpo ang dalawang malalakas na koponan sa larangan ng football—ang UIG 2024 All Stars at ang MSU Phantom FC. Sino kaya ang maghahari sa loob ng pitch? Ang labanang ito ay inaasahang magiging matindi, puno ng aksyon, at puno ng tensyon mula umpisa hanggang huli.
Ang UIG 2024 All Stars ay binubuo ng mga piling manlalaro mula sa iba't ibang departamento at kolehiyo ng Mindanao State University, Marawi City Main Campus. Sila ang mga napiling manlalaro ng University Intramurals Game 2024 dahil sa ipinakita nilang husay at pagiging halimaw sa laro. Ngayon, sila ang haharap at lalaban sa MSU Phantom FC, ang women's football team ng MSU.
Ang UIG All Stars ay kilala sa kanilang disiplinadong depensa at matinding opensa. Ang kanilang mga manlalaro ay ilan sa pinakamahusay na talento sa football, at bawat laban ay ipinapakita nila ang kanilang galing at teamwork. Samantalang ang MSU Phantom FC, isang koponang puno ng kabataan at enerhiya, ay nagtataglay ng bilis at liksi sa bawat galaw, palaging handang magpamalas ng mga nakakabilib na plays at desisyon sa loob ng pitch.
Ang tanong ngayon: Sino ang magwawagi at mag-uuwi ng medalya? Handa na ba ang UIG All Stars na ipakita ang kanilang karanasan, o ang MSU Phantom FC ba ang maghihimagsik at magpapakita ng determinasyon para sa match na ito?
Huwag palampasin ang labanang ito na magaganap ngayong Sabado! Abangan at suportahan ang inyong paboritong koponan sa isang sagupaan na tiyak na magpapaapoy sa adrenaline ng bawat manonood! ⚽🏟️🏆
Written By : RUKAWA