04/08/2026
Success isn’t found by chasing money.
It’s found where your values, purpose, and passion meet.
Dati, akala ko rin success was about earning more.
Pero habang tumatagal, mas na-realize ko na hindi pala pera ang tunay na hinahabol ko.
Bilang dating teacher, ang purpose ko noon ay magturo. Ngayon, bilang entrepreneurial mentor, pareho pa rin ang mission—iba lang ang classroom. Mas marami lang akong natutulungang tao na magkaroon ng pagkakataong baguhin ang buhay nila.
Napansin ko rin na sa tuwing pera lang ang dahilan ng isang tao, mabilis siyang mapagod. Pero kapag malinaw ang values mo, alam mo ang purpose mo, at mahal mo ang ginagawa mo, kahit mahirap ang journey, tuloy ka pa rin.
Ironically, doon pa nga madalas sumusunod ang financial success.
Kaya para sa akin, success isn’t about having the biggest income.
It’s about waking up every day knowing that what you do creates value, changes lives, and gives your own life meaning.
Because money is a reward.
But purpose is the reason.