24/06/2026
📣 Magandang araw, mga kapwa mag-aaral! 🥋
✅Kung ikaw ay may interes sa sports, nais matuto ng self-defense, o naghahanap ng isang organisasyong makatutulong sa iyong paghubog ng disiplina at tiwala sa sarili, inaanyayahan ka naming maging bahagi ng Makati High School Arnis Team.
✅Hindi kailangang eksperto o may karanasan na sa Arnis. Ang mahalaga ay ang iyong kagustuhang matuto, magsikap, at makibahagi sa isang samahang nagtataguyod ng pagkakaisa, respeto, at sportsmanship.
▫️Ang Arnis ay ang pambansang sining pandigma at laro ng Pilipinas na humuhubog sa lakas ng katawan, talas ng isip, at tibay ng loob. Ito ay isang pagkakataon upang maipakita ang iyong talento at makapagbigay ng karangalan sa ating paaralan.
▫️Sa pamamagitan ng Arnis, maaari mong mapaunlad ang iyong pisikal na kakayahan, disiplina, at pagiging responsableng mag-aaral habang kinakatawan ang ating paaralan sa iba’t ibang paligsahan.
▫️Kaya, inaanyayahan namin kayo na subukan at maranasan ang saya at mga aral na hatid ng Arnis. Sama-sama tayong matuto, lumago, at magbigay ng karangalan sa ating paaralan.
▪️Training Schedule:
🔹Tuesday and Thursday
- 9:00am - 11:30am (Grade 8&9, Grade 11-12)
- 1:00 - 3:00pm (Grade 7&10, Grade 11-12)
Grounds and stage
🔹Saturday - To be announce
📌 Page: Makati High School Arnis Club
👩🏫 Hanapin si: Coach Maryland Garcia – MAPEH 8 Teacher
📩 I-DM sina: Hannah A. Luis at Alexa Danielle Padilla (Team Captains)
Maraming salamat, at inaasahan namin kayong makasama sa aming koponan! 🇵🇭🥋🏆
🦅