21/05/2026
MAYAO CROSSING BASKETBALL SUMMER LEAGUE 2026 ✨🏀
Isang taos-pusong PASASALAMAT ang nais naming ipaabot sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Mayao Crossing Basketball Summer League 2026. Ang liga na ito ay hindi lamang tungkol sa laro ng basketball, kundi tungkol din sa pagkakaisa, camaraderie, disiplina, sportsmanship, at pagbibigay inspirasyon sa ating kabataan at buong komunidad.🧡🤍
Una sa lahat, lubos naming pinasasalamatan ang aming Founder na si Kag.Ramil Magpantay, kasama sina Pat Eyatid- LGBTQIA+ President, Lope San Miguel- LGBTQIA+ Secretary,at mga Lider Kabataan Benjo Regondola, at Angelo Dudas, na naging instrumento upang maisakatuparan ang makabuluhang liga na ito. Sa inyong dedikasyon, sakripisyo, oras, pagod, at malasakit para sa barangay at kabataan, naging posible ang isang matagumpay at masayang palaro para sa lahat.🧡🤍
Maraming salamat din sa lahat ng mga sumuporta at nagbigay ng tulong para sa aming mga tropeo at iba pang pangangailangan ng liga:🧡🤍
🏆 Para sa mga Trophy Sponsors:
• Gov. Doc Helen Tan
• VGov. Third Alcala
• Provincial Sports Office
• Mr. Aris Marcene
💰🏆 Para sa Cash Assistance at Trophies:
• Mayor Mark Alcala
• VM Dondon Alcala
• Sangguniang Panglungsod ng Lucena
• Sangguniang Barangay Mayao Crossing Officials
• Kap. Zosimo Macaraig
🏀 Special thanks din sa aming masipag na Sports Commissioner:
• Kua Jimmy Gaya
Lubos din naming pinasasalamatan ang lahat ng players, coaches, team managers, referees, committee members, sponsors, supporters, pamilya, at mga manonood na walang sawang sumuporta gabi-gabi. Kayo ang naging dahilan kung bakit naging buhay na buhay, masaya, at matagumpay ang ating liga.🧡🧡🧡
Sa bawat sigawan, palakpakan, pawis, hirap, at laban sa loob ng court, tunay nating ipinakita ang diwa ng sportsmanship at pagkakaisa ng Brgy. Mayao Crossing. Ang tagumpay ng liga na ito ay tagumpay nating lahat bilang isang komunidad.🧡🧡🧡
Nawa’y magpatuloy pa ang ganitong klaseng programa na nagbibigay saya, inspirasyon, at magandang oportunidad sa ating mga kabataan upang maipakita ang kanilang talento at maiwasan ang masasamang bisyo.🧡🧡
Muli, mula sa aming puso, MARAMING MARAMING SALAMAT sa inyong lahat! 🧡
MAYAO CROSSING BASKETBALL SUMMER LEAGUE 2026
“Unity Through Sports, Strength Through Community.” 🏀🔥