20/04/2026
Abangan bukas!
Huwag palalampasin ang inaabangang labanan, dahil magaganap na ang Battle for 3rd at pati na rin ang Championship Game ng 1st Talabukon LGU Looc Inter-town Soft Tennis Tournament.
Inaanyayahan ang lahat na maging bahagi ng kasaysayan at masaksihan ang matinding tagisan ng galing at determinasyon ng mga kalahok mula sa iba't ibang bayan.
Bukas na bukas yan, simula ng alas 7 ng umaga sa Looc Public Plaza.
Tara na at suportahan ang inyong mga paboritong koponan, damhin ang excitement ng event, at makisaya sa selebrasyon ng palakasan sa ating komunidad. Markahan na ang inyong kalendaryo at magsama-sama tayo para sa isang di malilimutang umaga ng soft tennis! 👏