06/12/2025
Sa Iyo ang aming papuri at pasasalamat, Panginoon.
Sa katatapos lamang na Division Athletic Association Meet โ Stallion's League, tatlong atleta ng Rafael M. Lojo Memorial School ang sumabak sa softball field na may determinasyon sa puso at pangarap sa mga mata. Bilang kinatawan ng West District Softball Team, hinarap nila ang mga hamon, tinanggap ang pressure, at ipinakita ang tunay na galing, tapang, at teamwork.
Ipinagmamalaki naming ipahayag ang aming mga kampeon: Azaliah Esther F. Libre, Alexa Queenie E. Malinao at Zachiea Natashka O. Perilla.
Una sa lahat, nagpapasalamat kami sa Diyos sa pagbibigay sa kanila ng lakas, tapang, at karunungan, na nagpatunay na ang imposible ay kayang maging posible.
Taos-pusong pasasalamat sa Tangway Integrated School, lalo na sa kanilang punongg**o, Gng. Teresita O. Brucal, sa pagtanggap, pag-aalaga at walang sawang suporta at paggabay sa ating mga atleta sa kanilang trainings.
Sa mga magulang ng ating mga atleta, maraming salamat sa inyong patuloy na tiwala at suporta.
Lubos din ang pasasalamat sa punongg**o, Dr. Nora M. Villavicencio, sa katuwang ng punongg**o, G. Osmundo C. Cator, Jr. at sa mga g**o ng Rafael M. Lojo Memorial School sa kanilang suporta at panalangin.
Sa Sangguniang Barangay ng Banaybanay, maraming salamat sa tulong sa transportasyon sa trainings, sa paghahatid at pagsundo sa tatlong atleta.
Sa ating mga coaches at trainersโCoach Efren Umali, Coach Phorce Angeles, Sir Arvin Manalo, Maโam Cristy M. Moreno, at Maโam Zendy Rose T. Santiagoโmaraming salamat sa walang sawang paggabay at pagtuturo.
Sa mga officiating officials at technical committee, salamat sa inyong dedikasyon at tiyaga sa ilalim ng sikat ng araw at tindi ng mga laban.
Congratulations, girls!
Ang gagaling ninyo โ super proud kami sa inyo!
WEST DISTRICT SOFTBALL TEAM
DAAM 2025 - CHAMPION โจ๐๐๐ฅ
RAAM 2026 - QUALIFIER ๐