11/04/2026
๐๐๐ฆ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ | Pull up jumper ni Juliano, naghatid ng panalo kontra SDO San Jose; 4-0 record sa pool D, inilista ng Bataan
๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Pinatunayan ng Schools Division Office ng Bataan na sila ang koponang mas maangas nang kanilang silatin ang dikit na panalo kontra sa katunggaling SDO San Jose matapos pakawalan ni Power Forward Leo Juliano ang buzzer-beating pull up jumper sa huling segundo ng digmaan, 68-67, sa Basketball Secondary Menโs Division ng Central Luzon Region Athletic Association (CLRAA) Meet 2026, na ginaganap ngayon sa Probinsya ng Aurora.
Dahil sa tagumpay na ito, tuluyan ding nakompleto ng Bataan ang 4-0 win-loss record sa pool D ng liga, kung saan ay nauna nilang ginapi ang SDO Tarlac City, Zambales, at City of San Jose Del Monte.
Buong laro ay dikit at mabigat ang laban, kung saan hindi nakapagtatag ng malayong kalamangan ang Bataan at patuloy na hinahabol ang agresibong laro ng San Jose City.
Ngunit sa huling isang minuto ng fourth quarter, naibaba ng Bataan ang kalamangan ng San Jose at tuluyang naitabla ang iskor sa 64-all sa huling tatlumpung segundo.
Sa pagpapatuloy ng bakbakan, nakaiskor ang Bataan ng mahalagang dalawang puntos upang lumamang, 66โ64.
Ngunit agad itong sinagot ng San Jose City ng tres at binawi ang kalamangan, 67โ66.
Sa timeout na may 4.8 segundong natitirang oras, binuo ng Bataan ang huling play para kay Juliano.
Pagbalik sa laro, isinagawa ni Juliano ang pull up drive mula sa gitna bago pa tumunog ang buzzer at pumasok ang tira para sa game-winning basket.
Samantala, magpapatuloy ang karera ng Bataan sa CLRAA Meet sa mga susunod na araw kung saan ay kanilang makakaharap ang mga nagwagi sa Bracket A,B, at C.