13/08/2026
1. Ano nga ba ang tinatawag nating Linggo ng Kabataan o mas kilala sa acronym na “LNK”?
• According to DILG (Department of the Interior and Local Government), LNK o Linggo ng Kabataan is a mandated, holistic youth-development week covering leadership, culture, and civic education. It is also an official annual celebration required by law (under Republic Act No. 10742 or the SK Reform Act) held every August to coincide with the International Youth Day.
2. Ano nga ba ang vision and mission ng LNK or Linggo ng Kabataan?
• The core vision and mission of LNK or “Linggo ng Kabataan” center on powering youth and recognizing them as active partners in governance and nation-building.
Magkaka-pareho po ba ng vision and mission ng iba’t ibang lugar?
• According to NYC (National Youth Commission), specific localized visions and missions may slightly vary depending on individual LYDC (Local Youth Development Councils) and Sangguniang Kabataan local chapters.
3. Anu-ano ba ang mga pwedeng gawing aktibidad sa Linggo ng Kabataan?
• Una, ang pinaka importante sa lahat ay ang “Leadership Training or Camp”.
• Pangalawa, dapat andyan ang mga tinatawag nating seminar tulad ng pagtalakay sa mga napapanahong isyu sa ating bansa, child abuse, bullying, mental health awareness, climate action, digital literacy at marami pang iba.
• Pangatlo, hindi na mawawala dito ang mga iba’t ibang paligsahan, tulad ng poster making, slogan, mural painting, cooking competition, laro ng lahi, quiz bee at marami pang iba.
• At higit sa lahat ang mga aktibidad na pwedeng ipatupad sa Linggo ng Kabataan ay naka depende sa budget at desisyon ng LYDC or SK Council sa inyong barangay.
4. Sinu-sino nga ba ang pwedeng sumali sa LNK?
• 15 to 30 years old
• Karaniwang residente ng kaukulang barangay.
5. Anu-ano ang pwedeng isampang reklamo kapag ang isang barangay ay walang ginagawang proyekto tungkol sa programang LNK?
• Negligence of Duty / Dereliction of Duty
• Non-Feasance