09/05/2026
MARAMING SALAMAT, KARUHATAN!
Matagumpay na nagtapos ang PISTA SA KARUHATAN: TAKBO PARA SA KALUSUGAN 2026 na dinaluhan ng daan-daang runners at residents ng Barangay Karuhatan.
Mula sa 3KM Fun Run, Zumba Party, raffle, awarding, and other activities, naging masaya at puno ng energy ang buong umaga kasama ang Cayetano in Action: Sports Caravan, Barangay at SK Council ng Karuhatan, Karuhatan Young Leaders, Valenzuela LGU sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, at sa suporta ni Cong. Kenneth Gatchalian.
Maraming salamat sa lahat ng participants na nakisabay sa takbo at nakiisa para sa mas healthy na komunidad. Taos-pusong pasasalamat din sa lahat ng volunteers, organizers, marshals, medical team, facilitators, production team, at staff na tumulong para maging maayos, ligtas, at matagumpay ang buong event.
Maraming salamat din kina SK Chair Christine Joy Molina, Barangay Chair Martell Soledad, sa buong Barangay at SK Council ng Karuhatan, Karuhatan Young Leaders, Valenzuela LGU, Mayor Wes Gatchalian, Cong. Kenneth Gatchalian, mga partners, sponsors, at sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa programang ito para sa komunidad.
Hanggang sa susunod na takbuhan at sports activities para sa mas healthy, active, at nagkakaisang Karuhatan.