05/05/2026
“Champions are not just defined by victory, but by the heart, grit, and legacy they leave on the court.” 💯🏀
Matagumpay na nagtapos ang Lasam Basketball Club Inter-Color League 2026, at itinanghal bilang kampeon ang Blue Team matapos ang isang matinding laban hanggang dulo. 🏆🔥
Isang taos-pusong pagbati rin sa White Team bilang 1st Place—ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng laban, determinasyon, at sportsmanship na siyang nagbigay kulay sa Finals. 👏
Pagpupugay sa ating mga Season MVP at Finals MVP—kayo ang naging inspirasyon at huwaran ng husay, sipag, at dedikasyon sa buong liga. 💯
Sa pagtatapos ng makabuluhang torneo, taus-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng koponang nakilahok, sa BAP-Lasam Referees sa pangunguna ni Ginoong Jerome Domingo sa kanilang patas at mahusay na pamamahala ng laro, at sa ating masisigasig na fans na walang sawang sumuporta.
Lubos din ang aming pasasalamat sa LGU Lasam sa pangunguna nina Hon. Mayor Dante Dexter A. Agatep at Hon. Vice-Mayor Dannah Paula T. Agatep, kasama ang lahat ng Sangguniang Bayan Members, sa kanilang walang sawang suporta sa liga.
Hindi rin namin malilimutan ang mga individual sponsors na nag-abot ng tulong at nagbigay ng karagdagang papremyo—maraming salamat sa inyong malasakit at generosity.
Sa kabuuan, ang tagumpay ng liga ay tagumpay ng buong komunidad. Maraming salamat sa inyong lahat—hanggang sa susunod na laban! 🏀🙏
LASAM BASKETBALL CLUB
WE ARE ONE-FAMILY!♥️👌🏀