27/08/2026
" Nung mga 8yrs old ako, sumali ako sa MILO BEST CENTER sa may San Pablo dito sa Laguna. Ako lang babae doon, puro lalaki kasama ko. Tumatak sa isip ko yung sinabi sakin ni Coach JULIE AMOS noon na "galingan mo mag kikita tayo sa Manila soon".ππ―πͺ
Ang kuwento ng Basketball Journey ni STEPHANIE VILLAPANDO ng University of Sto. Tomas
Nung 3yrs old palang ako nag lalaro nako sa kabilang bakod ng bahay namin sa Calo duon sa may puno ng mangga. Nakakitaan na ako ng potential ng daddy ko maging isang basketball player soon. Lagi akong kasama sa mga liga ni daddy ko nung baby palang ako yung tipong bigla bigla nalang daw titigil laro nila kasi asa gitna na pala ako ng court π€¦ββοΈπ
ππ€£ and isa din yon siguro sa naging motivation ko nung bata ako na maglaro ng basketball pag laki ko. Si daddy ko talaga ang turo sakin magbasketball. Nung mga 8yrs old ako, sumali ako sa MILO BEST CENTER sa may San Pablo dito sa Laguna. Ako lang babae doon, puro lalaki kasama ko. Tumatak sa isip ko yung sinabi sakin ni coach Julie Amos noon na "galingan mo mag kikita tayo sa Manila soon". So na motivate ako lalo. Nung 1st year high school ko, sumubok akong mag apply bilang varsity player sa TRACE COLLEGE dito sa Laguna. That time sobrang naamaze ako kasi may mga katulad din pala ako na babae na nag lalaro ng basketball. Duon ko na experience yung District meet nung 1st year ko as a varsity player. As a student athlete, naranasan ko yung pano mag balance ng oras talaga kasi hati na oras ko e, nakakapanibago talaga and dapat walang bagsak. Nung 2nd yr hs ko sa Trace, medyo nag improve na yung skills ko sa basketball kumbaga natututo nako mag aral ng mga ibat ibang play at depensa. That time naka abot ako ng STCAA. Sobrang saya ko kasi nakikita ko lang sa iba yun. Nung naging player ako ng STCAA, mas lalo akong na challenge kasi sobrang dami palang babaeng naglalaro ng bball at the same time, mas matatalino silang mag laro sakin. Hanggang STCAA lang naabot ko nung nasa Laguna ako. Naka reserve nako nun for Palarong Pambasa 2015 sa Davao, pero iba yung kinuha and di ko pa talaga time siguro. So everytime na lumelevel up yung nae experience ko, mas lalo akong gutom maabot pa yung mga naabot ng ibang player at gusto ko pang higitan yon.π―πͺ
Nung pa 3rd yr hs ko, nag try naman ako mag Manila. May nag dala sakin sa FEU, so tryout ako non, nagustuhan ako ni coach Bert eh walang hs team that time sa FEU kaya sabi nila, mag Angelicum daw po muna ako tas sa college daw po ako mag FEU. Edi nag try padin ako sa iba. Nag tryout ako sa WPBA ni coach Ewon Arayi sa may Makati ata yon. So pinag laro nia ko and then sinabi nia sakin na dalhin nia daw ako sa Chiang Kai Shek college muna tapos mag NU after. Kasi ganun din, wala pang hs team ang NU. So ako na excite ako kasi mag mamanila nako and knowing na ang Manila ang may mga pinakamagaling na player. Nung 1st year ko sa CKSC, di naman ako masyadong nanibago kasi sanay na din akong malayo sa fam ko nung nag STCAA kami kasi naka inhouse kami non e. May times na hohomesick ako pero andyan naman lagi sila Coaches and Teammates ko na nag papasaya sakin habang asa manila ako. Sa acads naman, medyo humirap compare nung nasa laguna ako kasi kapag asa laguna ako andyan lagi parents ko kapag may ipapabili akong requirements yung mga biglaang, daddy bili moko nga ko ng ganto ganyan, mommy turuan mo nga ko sa ganto. Ayun talaga yung bago saakin nung nag manila ako. Kumbaga natuto nakong tumayo sa sarili kong paa sa edad na 14yrs old.ππ€
Pinili ko Chiang Kai Shek College kasi iba yung parikamdam ko pag gusto ko yung isang bagay and sa unang tingin ko palang sa team, kita ko na agad na mag ggrow ako as a Player and as a Person nadin. I'm so lucky na natanggap ako sa CKS kasi sobrang ganda ng aral doon and training program, mahahasa and machchallenge ka talaga. Sa una iisipin mo bakit namin ginagawa to? Bakit sobrang hirap? Bakit minsan sobra sobra na? Mapapa-angal ka talaga minsan. Pero sabi nga, may purpose lahat ng pinapagawa sa amin and na experience na nila coach yun kaya inaapply nila samin para maging successful din kami. Ayun nga sa buong stay ko sa CKS, never akong naka ranas ng talo gawa ng training program at pagdi DISIPLINA samin ng mga coaches namin. Sharawt mga shen! πππ
π€£. Lagi kasi akong humihingi ng tulong kay Lord. Na sana matanggap ako or makapasa ako and kung saan man ako mapunta, gawin ko yung best ko kasi duon ako nilagay ni Lord and alam kong doon ako magiging successful.
Ang dream school ko po talaga ay Ateneo. Bata palang po ako gusto ko po ateneo. Pero God is always there for me. Nilalagay nia talaga ako sa school na magiging masaya ako, komportable ako at mapalapit sa kanya knowing na UST is a Catholic school and yung patron na sinasamba namin na si San Agustin ay nandun din. Nakuha ko din po yung dream course ko na Civil Engineering. Kaya swak na swak po talaga ako sa school nato. Sobrang swerte ko po sa mga coaches and teammates ko po.
Para sa mga kababaihan dyan na nangangarap maging isang player ng uaap/ncaa or pro man yan, wag kayong susuko sa pangarap nio. Push lang ng push. Wag tayong makukuntento sa kung nasan tayo ngayon. Sarili lang natin ang kalaban natin. Huwag mahihiyang sumubok hanggang sa marating natin yung pangarap natin. Mag dasal lang palagi para i lead tayo ni God kung san tayo magiging successful π₯°
BASKETBALL PROFILE
Stephanie C. Villapando
19 5'5" Shooting Guard
University of Santo Tomas
Bay, Laguna
Please like and share Im a Baller RELOAD ππ―πͺ
π·ctto