13/12/2025
Hindi mo rin talaga masasabing sayang ang oras sa mga kalokohang ginawa mo nung kabataan ka pa. Bakit? Eto kasi yun eh:
Habang tumatanda kayong magbabarkada, unti-unting nababawasan yung inuman, tambay, at mahabang kwentuhan. Lahat kasi naging busy na may kanya-kanyang obligasyon, responsibilidad, at direksyon sa buhay.
Dati, isang aya mo lang, kumpleto na kayo. Minsan susunduin niyo pa sa bahay para lang payagan.
Pero ngayon? Parang kailangan mo pa ata magdasal sa lahat ng santo bago kayo mabuo ulit.
Iba na kasi ngayon may due dates, bills, promotions, pamilya, career, lovelife, at kung minsan bawal lang talaga lumabas ni misis. 😂
Kaya yung mga kalokohan at katarantaduhang ginawa ninyo noon? Oo, minsan mali dahil kabataan at kalasingan.
Pero hindi yun pag-aaksaya ng oras. Investment yun.
Investment sa mga alaala na babalikan mo sa mga panahong hindi mo sila makasama.
Yung tipong habang nasa gitna ka ng pagod at responsibilidad, bigla mong maaalala yung mga ginawa n’yong katangahan tapos mapapangiti ka na lang.
Sabihin mo sa sarili mo:
“Putek miss ko na tong mga gagong to.” 🍻