21/07/2026
Race feature of our Female Champion in 42km race distance via Nueva Ecija TV48 Page. 🥳🎉🤩✨
59-ANYOS NA RUNNER MULA IFUGAO, NANGIBABAW SA NUEVA ECIJA MARATHON 2026
Patunay na walang pinipiling edad ang tagumpay ang ipinamalas ng 59-anyos na si Irene Buyuccan ng Lagawe, Ifugao matapos siyang tanghaling Female Champion sa Nueva Ecija Marathon 2026.
Sa isinagawang marathon sa kahabaan ng Guimba–Cuyapo Bypass Road, matagumpay na nalampasan ni Buyuccan ang mapanghamong ruta sa pamamagitan ng kanyang tibay ng katawan, disiplina, at matinding determinasyon.
Hindi lamang pagiging Female Champion ang kanyang naiuwi dahil ginawaran din siya ng Toughest Runner Award at kinilala bilang Age Group (50–59) Winner, bilang pagkilala sa kanyang natatanging pagganap sa karera.
Masayang tinawid ni Buyuccan ang finish line kasama ang kanyang mga kasamahan sa Ifugao Haggiyo Trail Runners at mga kaibigan na nakisaya sa kanyang tagumpay.
Kinilala si Buyuccan bilang inspirasyon sa maraming atleta at running enthusiasts dahil sa kanyang patuloy na dedikasyon sa isport sa kabila ng kanyang edad.
Courtesy: Nueva Ecija Marathon