09/12/2025
🔥 BACK-TO-BACK CHAMPIONS!🔥
🏆 KEV’S PHENOMENAL – Manggahan Basketball League Champions (2-PEAT!)🏆
Walang pagsidlan ang aming kagalakan! Muli na namang naiangat ng KEV’S PHENOMENAL ang kampeonato— BACK-TO-BACK CHAMPIONS, Manggahenyo! 🦁🔥
Ang bawat pawis, hirap, sakripisyo, at paniniwala ay nagbunga ng panibagong kasaysayan para sa ating koponan.
Sa likod ng tagumpay na ito, maraming pusong dapat pasalamatan:
🙏 Sa lahat ng naniniwala at sumusuporta — mula sa unang laro hanggang sa huling sigaw ng buzzer, ramdam namin ang inyong lakas at pagmamahal.
🏛️ Sa pamunuan ng Barangay Manggahan — lalo na kay Brgy. Chairperson Renan B. Panganiban at SK Chairperson Jerry Bombane, salamat sa patuloy na paglikha ng mga programang humuhubog sa talento at pangarap ng bawat Manggahenyo. Ang Manggahan Basketball League ay patunay na buhay at masigla ang sports development sa ating barangay.
💛 Sa aming manager at major sponsors, Sir Carlos Cumpiano and Ma’am Len Carlos — salamat po sa inyong ginintuang puso. Hindi matatawaran ang tulong at suporta ninyong tunay na nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa aming koponan.
👨👩👧👦 Sa pamilya ng bawat kasapi ng team — para sa inyong pang-unawa, pag-aalaga, at walang sawang pagbibigay-lakas ng loob. Kayo ang tunay na tahanan ng aming tagumpay.
🦁 Sa bawat manlalaro ng KEV’S PHENOMENAL — saludo sa inyong disiplina, respeto sa laro, at patuloy na pagsusumikap na maging mas mahusay. Lalo na sa pamumuno ng ating Captain Ball, Charles Andrei Alo, na patuloy na nagiging ehemplo ng husay at determinasyon.
At higit sa lahat—
🙏 Sa Dakila at Mabuting Panginoon, na siyang nagbibigay sa amin ng lakas, proteksyon, at tagumpay. Sa Kanya ang pinakamataas na papuri.
🧡🔥 Manggahan, para sa inyo ang panalo na ito!
Kev’s Phenomenal—tunay na PHENOMENAL!🏆🔥