09/01/2023
REY PEREZ -THE PRIDE OF TAGUM DAVAO DEL NORTE
Ipinanganak sa Iloilo ngunit noong 3 taon pa lamang siya ay doon na sa Tagum Davao del Norte nanirahan ang pamilya. Naging mahusay na manlalaro si Rey sa Tagum at noong high school ito ay napunta sa Cebu at naglaro sa UV Baby Lancers under Coach Jake Roxas at nasungkit nila ang National Junior Championship kasama sina Al Solis, Anthony Mendoza, Steven Dajalos at Andy Najarro.
Rey wants to improve his crafts kaya pumunta ito sa Manila at nagtry-out sa Mapua Senior team under legendary basketball player/coach Charlie Badion. Nakasama niya sina Leo Isaac at Juvy Jubinal sa team at napalaban sa Letran para sa kampeonato ngunit sila ay ginapi ng Knights. One year lang ang tinagal ni Rey sa Cardinals dahil ang mga pamosong MICAA ball club gaya ng YCO at Crispa ay pinag-aagawan na siya dahil sa tapang at husay nito sa laro in fact sa Cardinals pa lang ay may natatanggap na siya na Allowance sa YCO.
Naglaro si GAW (palayaw ni Rey sa mga kaibigan ) sa YCO (MICAA) under Coach Freddie Webb at noong nadisband ito ay naglaro naman ito sa Crispa (MICAA) under Coach Narciso Bernardo at doon ay may multiple championship sila sa labas ng bansa.
Dahil sa ipinapakitang gilas ni Rey ay nakuha ito sa National Team noong 1982 New Delhi Asian Games under Coach Larry Albano at noong 1983 SEA Games ay naglaro din ito at nakuha ang kampeonato under Coach Nat Canson
Sa PABL naman ay naglaro din ito sa Bank of Rizal under Coach Nemie Villegas kasama sina Amisola, Viray at Cabatu at tinalo nito sa kampeonato ang ESQ na hawak ni Buddy Encarnado.
Noong 1985 ay na-pick ito na pang lima sa draft ng Ginebra at doon ay nakasama ang kanyang idol na si Coach Sonny Jaworski at Francis Arnaiz. Noong 1986 ay nagkampeon ang Ginebra sa tulong ng Best Import tandem na sina Billy Ray Bates at Michael Hackett..
Maagang pinutol ni Rey ang kanyang karera sa basketball at siya ay nagmigrate sa US kasama ang pamilya. Sa sipag at patuloy na kayod ni Rey nagkaroon itong manpower placement businessat naging kliyente pa ang mga sikat na celebrities like Robert de Niro at Puff Daddy.
Bumalik siya sa Pinas noong 2008 at nagtayo ng construction business sa Tagum at noong 2010 ay nagpasya siya na tumakbo bilang city councilor ngunit hindi siya pinalad na maglingkod sa kanyang bayan.
Naging Coach din siya ng University of Mindanao. Sa ngayong ay abala siya sa pagtuklas ng mga kabataang manlalaro sa Tagum at mga kalapit bayan. Hinuhubog niya ang mga ito hindi lamang sa baskebol pati sa laban ng buhay at tamang motibasyon.
MGA KA- SPORTS LANG baka may mga ibabahagi pa po kayo sa PRIDE NG TAGUM DAVAO DEL NORTE
photo credit- REY PEREZ