14/11/2025
B.I.N.G.O na.
ZALDY CO TAGS PRES. MARCOS IN FLOOD CONTROL CORRUPTION
Idiniin ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co si Pres. Bongbong Marcos na nasa likod umano ng korupsyon sa flood control at iba pang infrastructure projects ng pamahalaan.
Aniya, nagpulong umano sina Pres. Marcos at Budget Sec. Amenah Pangandaman noong 2024 tungkol sa utos daw ng Pangulo na P100 billion budget insertions sa bicam.
Pinigilan din daw umano ni Leyte Rep. Martin Romualdez si Co na umuwi ng Pilipinas kasunod ng medical trip niya sa Amerika noong Hulyo.
Matatandaang nagbitiw ng maaanghang na salita si Pres. Marcos laban sa mga sangkot sa korupsyon sa DPWH sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong parehong buwan.
“Noon, naniniwala pa ako sa kanila kaya hindi ako bumalik… Pero hindi ko alam na ang ibig pala nilang sabihin sa aalagaan ka namin ay gagamitin ako bilang panakip-butas sa kanilang kampanya laban sa korupsyon,” saad ni Co.