27/09/2026
OFW NA BAGO LANG SA RIYADH UUWING P4TAY NA NAKAKABAONG NA DAHIL SA KAPABAYAAN NG AGENCY ‼️
Siya Si Fatima, 23 years old. First timer sa Riyadh. May dalawang anak sa Pinas na iniwan sa nanay niya.
Unang buwan pa lang, hindi na maganda.
Kinuha ang cellphone. 5am gising na, 12am na matatapos. Walang pahinga. Kapag umiiyak siya sa pagod, sinisigawan siya ng amo.
Nakaipon ng lakas ng loob, nakahiram ng cellphone sa kapwa Pinay sa kabilang bahay at tumawag sa agency.
"Ma'am, hindi ko na po kaya. Depressed na depressed na po ako. Araw-araw po akong umiiyak. Tulungan niyo po ako makauwi o malipat."
Sagot ng agency, malamig:
"Fatima, tiisin mo muna 3 months. Ganyan talaga sa umpisa. Homesick ka lang. Pagkatapos ng 3 months saka ka namin tutulungan. Wag ka nga drama."
Pinatay ang tawag.
Pangalawang buwan, mas lumala. Hindi na siya kumakain. Hindi na siya makatulog. Gabi-gabi tahimik na umiiyak sa banyo. Tinatawag na siyang "baliw" ng amo dahil tulala na siya.
Tumawag ulit siya. "Ma'am please po, hindi na po talaga kaya ng isip ko."
Sagot ulit: "Tiisin mo! 3 months lang! Pag hindi mo tiniis, ikaw magbabayad ng 150k!"
Pangatlong buwan, hindi na siya nakatawag. Wala nang lakas.
Isang umaga, nakita na lang siya ng kasama niyang Pinay na wala nang buhay sa kwarto niya. Hindi na niya kinaya.
Huli na ang lahat.
Yung 3 months na pinapatiis ng agency, hindi na niya naabot.
Ngayon, yung agency nag-post pa ng "We are deeply saddened." Pero nung humihingi ng tulong si Fatima ng buhay pa, hindi nila pinakinggan.
Si Fatima uuwi na — pero sa loob ng kabaong. Malamig na bangkay. Iniwan ang dalawang batang hindi na muling mayayakap ang nanay nila.
Pakikiramay po 🙏