19/08/2026
Hindi man tayo umabot sa susunod na round, hindi ibig sabihin na tapos na ang laban. 🏀
Buong puso kaming nagpapasalamat sa Barangay Yakal sa bawat suporta, tiwala, at pag-cheer sa aming team. Isang karangalan para sa amin na mairepresenta ang ating barangay sa bawat laro.
4-1 ang aming standing, at kahit hindi naging sapat para makapasok sa next round, dala namin ang bawat karanasan bilang inspirasyon para mas pagbutihin pa sa susunod.
Hindi kami susuko. Babalik kami na mas handa, mas matatag, at mas determinado. 🔥💪
Para sa Barangay Yakal — hanggang sa muli! 🏀💚
Laban lang, Yakal Gaming ! Babalik tayo!