23/04/2026
𝟭𝘀𝘁 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗴𝘂𝗲𝗹 𝗖𝗵𝗲𝘀𝘀 𝗖𝘂𝗽 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗶𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟭𝟬!
Opisyal nang inanunsyo ng San Miguel Chess Club, sa pakikipagtulungan sa Local Youth Development Office (LYDO) at Sangguniang Kabataan (SK) Municipal Federation, ang kauna-unahang San Miguel Chess Cup 2026 na gaganapin sa Mayo 10, 2026, mula alas 8:00 ng umaga hanggan alas 5:00 ng hapon, sa San Miguel Sports Center (District II Covered Court) sa San Miguel.
Ang kompetisyon na ito ay bukas sa lahat ng mga taga-San Miguel na nagnanais na ipakita ang kanilang galing at kaalaman sa larangan ng chess.
Ayon sa organisasyon, gagamitin sa turneo ang Six (6) Rounds Swiss System pairing na may 20-minute time control (no increment) at ang buong kompetisyon ay gagabayan ng kasalukuyang FIDE Laws of Chess – Rapid System upang matiyak ang patas at de-kalidad na laban.
Ang mga kategorya at premyo sa kompetisyon ay ang mga sumusunod:
🏆 Categories:
♟ 15 years old and Below – Entry fee: ₱100 (San Migueliño)
♟ 16 years old and above – Entry fee: ₱150 (San Migueliño)
🏅 Top 10 winners in both categories
15 YEARS OLD AND BELOW
Champion ₱1,500.00 Throphy, Medal and Certificate
2nd Place ₱1,200.00 Medal and Certificate
3rd Place ₱1,000.00 Medal and Certificate
4th Place ₱700.00 Medal and Certificate
5th Place ₱500.00 Medal and Certificate
6th Place ₱400.00 Medal and Certificate
7th Place ₱400.00 Medal and Certificate
8th Place ₱400.00 Medal and Certificate
9th Place ₱300.00 Medal and Certificate
10th Place ₱300.00 Medal and Certificate
16 YEARS OLD AND ABOVE
Champion ₱2,000.00 Throphy, Medal and Certificate
2nd Place ₱1,500.00 Medal and Certificate

4th Place ₱800.00 Medal and Certificate
5th Place ₱600.00 Medal and Certificate
6th Place ₱500.00 Medal and Certificate
7th Place ₱500.00 Medal and Certificate
8th Place ₱500.00 Medal and Certificate
9th Place ₱400.00 Medal and Certificate
10th Place ₱400.00 Medal and Certificate
Bilang pagkilala sa pakikilahok, ang lahat ng mga manlalaro ay nakatakdang makatanggap ng certificate of participation pagkatapos ng nasabing kaganapan.
Para sa mga nagnanais makakuha ng kumpletong alituntunin at detalye ng nasabing chess cup, maaaring makipag-ugnayan sa pamunuan ng SMCC sa pamamagitan ni Arena International Master at National Arbiter Jonathan Añonuevo (0947-372-3327).
Maari din na makita ang update sa kanilang official page: https://www.facebook.com/sanmiguelunitedchessclub
Ang SMCC, na isang rehistradong organisasyon sa ilalim ng Youth Organization Registration Program ng National Youth Commission, ay naglalayong itampok ang husay ng mga lokal na manlalaro ng chess sa bayan.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na programa ng bayan upang linangin ang potensyal ng mga kabataan sa larangan ng mental sports. Inaasahang magtitipon-tipon ang mga mahilig sa chess sa San Miguel para sa makasaysayang inaugural tournament na ito.
Post courtesy: Burugkos San Miguel Publication

Photo courtesy: San Miguel Chess Cup